’Pag ako inofferan sa GMA, lilipat ako—Vice
N ASA mood para magbiro si
Vice Ganda na lilipat siya sa ibang network, at sinabi niya ito nang live sa mga co-hosts niya sa It’s Showtime last August 15. Biro ni Vice, kapag nabuwisit siya sa mga co-hosts niya at may offer sa kanya ang GMA-7 ay pagbibigyan niya ang huli para maging Kapuso na siya.
Nag-ugat ang biruan nang hindi sinasadyang maitulak siya ng co-host na si Vhong
Navarro off the stage, at nalaglag siya sa “Tawag ng Tanghalan” platform.
“Bakit ba tinutulak n’yo ko ngayong araw? Kanina pa nakadalawang tulak na kayo!” sabi ni Vice kay Vhong. Sumingit si Anne
Curtis, na nakaupo sa sidelines: “Eh, bakit kasi parang ang bilis mo matumba?’
“Nagpapatawa lang tapos nananakit kayo,” ani Vice, sabay buwelta kay
Anne. “Tinulak mo din ako kanina, babae ka.” Itinuro ni Vhong si Vice at sinabi sa Madlang Pipol: “Ito kasi, mabilis ma-fall!” “Mabilis ma-fall, kahit di mafall, tinulak mo ako!,” giit ni Vice. “Ganyan kayo dito, nagtatrabaho lang mapagtulak kayo. Pagod na pagod na ako, nananakit kayo! “’Pag ako lang talaga, inofferan sa GMA, lilipat ako! Pagod na pagod na ako dito, eh! Patawa ka nang patawa, kahit may sakit ka magpapatawa ka! Tapos ‘pag nakakatawa ka, itutulak ka, anong klaseng samahan meron itong Kapamilya? “Bad trip kayo, lahat na lang! Minsan talaga nagiisip ako, gusto ko talagang maranasan ‘yung Kapuso, eh.” Vhong then told Vice in an apologetic tone, “Hindi naman sinasadya kasi, eh!”
“’Pag may nag-offer lang talaga doon,” tuloy ang himutok ni Vice.
Tanong naman ni Anne kay Vice, “’Di ba, galing ka na doon?”
“Babalik ako, kahit co-host ako ni Susan Enriquez, sinasabi ko sa inyo babalik ako doon. Kahit sa Channel 5 lilipat ako, daming basketball [players] doon!”
That “rant” of Vice elicited laughter from the audience. Sa July 7 episode ng It’s
Showtime ay naikuwento niyang he was once a Kapuso. His first teleserye appearance was in TAPE Inc.’s afternoon drama series Saang
Sulok ng Langit in 2005, which was
top-billed by Maxene Magalona and Oyo Boy Sotto.
Knowing Vice, puwede siyang magbato ng biro gaano naman ito kasensitibo dahil alam naman nating lahat na siya’y isang comedian host. Matatandaang February 2017 nang nag-renew ng kanyang kontrata ang “Unkabogable” star sa ABS-CBN.