Balita

Pinay natagpuang patay sa hotel sa Saudi

- Annan

GENEVA (AFP) – Pumanaw ang dating UN chief at Nobel peace laureate na si Kofi Annan nitong Sabado sa edad na 80, at bumuhos ang mga papuri mula sa buong mundo para sa itinuturin­g na ‘’diplomatic rock star’’.

Ang Ghanaian national ay isang career diplomat na nagpamalas ng quiet charisma at kinikilala sa pagpaangat ng imahe United Nations sa global politics sa panahon ng kanyang dalawang temino bilang Secretary General mula 1997 hanggang 2006.

Pinamunuan ni Annan, ang unang lider ng UN mula sa Sub-Saharan Africa, ang samahan sa mga mapanghati­ng panahon ng Iraq war at kalaunan ay inakusahan ng katiwalian sa oil-for-food scandal, isa sa pinakamapa­nghamong panahon sa kanyang panunungku­lan.

Ngunit sa kabila ng maraming pagsubok sa kanyang pamumuno, bumama siya sa puwesto na itinuturin­g na isa sa pinakapopu­lar na naging lider ng UN at itinuturin­g na ‘’diplomatic rock star’’ sa internatio­nal diplomatic circles.

‘’It is with immense sadness that the Annan family and the Kofi Annan Foundation announce that Kofi Annan, former Secretary General of the United Nations and Nobel Peace Laureate, passed away peacefully on Saturday 18th August after a short illness,’’ saad sa pahayag ng foundation.

‘’His wife Nane and their children Ama, Kojo and Nina were by his side during his last days.’’

Si Annan, nakatira hindi kalayuan sa UN European headquarte­rs sa Geneva, ay namatay sa isang ospital sa Bern, ang German-speaking na bahagi ng bansa, iniulat ng Swiss news agency na ATS .

Isinilang sa Kumasi, ang kabiserang lungsod ng Ashanti region ng Ghana, inialay ni Annan ang apat na dekada ng kanyang working life sa UN at naging unang pinuno na umangat mula sa loob ng ranggo ng samahan.

Matapos ang dalawang termino niya bilang UN chief, nagpatuloy siya sa kanyang diplomatic work, humawak ng highprofil­e mediation roles sa Kenya at Syria, at kamakailan lamang ay pinamunuan ang isang advisory commission sa Myanmar sa krisis sa Rakhine state.

MATCHLESS DIGNITY Inilarawan ni kasalukuya­ng UN chief Antonio Guterres ang kanyang sinundan na ‘’a guiding force for good’’.

‘’In many ways, Kofi Annan was the United Nations,’’ aniya. ‘’He rose through the ranks to lead the organisati­on into the new millennium with matchless dignity and determinat­ion.’’

Sinabi ni UN High Commission­er for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na si Annan ay ‘’a friend to thousands and a leader of millions. Kofi was humanity’s best example, the epitome, of human decency and grace.’’

Sinabi ng UN na ilalagay sa half-mast ang mga bandila sa lahat ng lokasyon nito sa buong mundo hanggang sa Martes.

At ipinahayag ni Ghana President Nana Akufo-Addo ang isang linggo ng pagluluksa para sa ‘’one of our greatest compatriot­s’’.

Pinuri ni Russian President Vladimir Putin ang ‘’wisdom and courage’’ ni Annan, habang ipinagdiwa­ng ni German Chancellor Angela Merkel ang ‘’exceptiona­l statesman in the service of the global community.’’

Wala pang komento si President Donald Trump, ngunit sinabi ni US ambassador to the UN Nikki Haley na si Annan ‘’worked tirelessly to unite us and never stopped fighting for the dignity of every person’’.

Sinabi ni US president Barack Obama na si Annan ‘’embodied the mission of the United Nations like few others’’.

‘’Kofi Annan was a truly great UN Secretary-General’’, saad sa pahayag nina dating US president Bill Clinton at dating secretary of state Hillary Clinton.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines