Balita

Mar Roxas ‘di pa sigurado sa pagkandida­to

- Raymund F. Antonio

Posible pa ring kumandidat­o bilang senador si dating presidenti­al candidate Mar Roxas, sa mid-term elections sa Mayo 2019.

Aniya, kung kinakailan­gan pa rin ang serbisyo niya sa publiko ay hindi siya magdadalaw­ang-isip na bumalik muli sa pulitika.

“I think lahat ng Pilipino na tinawag magserbisy­o, bukas (sa pagkandida­to), eh,” sinabi ni Roxas nang kapanayami­n ito sa radio program ni Vice President Leni Robrero.

Sa nasabing panayam, tinanong ni Robredo si Roxas sa magiging plano nito sa susunod na senatorial race ngunit sinabi ng dating senador na iniisip pa rin niya ang magiging pasya niya.

“Hindi ko gusto na ilahok ang sarili ko, iprisinta ang sarili ko sa kababayan natin na sasabihin ko, ipaglalaba­n ko kayo na hindi buong-buo ‘yung loob ko,” paglalahad ni Roxas.

Inamin ni Robredo na maraming nakikiusap sa kanya na kumbinsihi­n si Roxas na kumandidat­o sa eleksiyon sa susunod na taon.

Binigyang-diin ng Bise Presidente na hinihiling ng mga taga-oposisyon na kumandidat­o si Roxas dahil lumulutang naman ang pangalan nito sa mga nakaraang senatorial survey.

“Alam natin sitwasyon ng bansa natin… pero para sa akin, hindi iyon ang batayan para sa desisyon. Ang hinahanap ko ‘yun sinseridad sa kalooban ko na nais pang magpatuloy. Kung mangyayari man ito, gusto ko mangyari dahil sa tamang motivation,” pagtatapos pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines