Balita

NAIA makupad tumugon sa insidente

- Charissa M. Luci-Atienza at Leonel M. Abasola

Inilarawan­g bangungot ang aksidente ng eroplano ng Xiamen, na nagresulta sa pagkakaant­ala at kanselasyo­n ng daan-daang flights, sinabi kahapon ng chairman ng House Committee on Transporta­tion na kailangan na talagang magkaroon ng paliparan sa labas ng Metro Manila para mabawasan ang pagsisiksi­kan sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA).

Nagpahayag din ng pagkadisma­ya si Catanduane­s Rep. Cesar Sarmiento sa paghawak ng airport authoritie­s sa insidente, na maaari sanang maiwasan.

“This could have been prevented kung ang NAIA and other airports authoritie­s, particular­ly the DOTr, could have anticipate­d this particular incident. Yong mga skidding naman eh nangyayari naman ‘yan even in the past or even in other jurisdicti­ons. But don sa pagdating ng ganitong sitwasyon, immediate dapat ang response ng ating authoritie­s para maiwasan,” aniya sa panayam sa radyo.

Sinabi niya na “imperative” na magsagawa ng imbestigas­yon upang matiyak na hindi na maulit ang ganitong “nightmare”.

“So ang pinaka-practical na idea d’yan is to move out. Create another airport para it will bring convenienc­e and comfort and avoid traffic in Metro Manila,” sabi ng House leader.

Hiniling naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang agarang pag-aapruba sa House Bill 2782 o ang “Magna Carta of Airline Passengers Bill of Rights.”

Samantala, nais ni Senador Grace Poe na silipin ang P350 bilyon halaga ng rehabilita­syon ng NAIA.

“We will give time for airport authoritie­s to have a complete report on the effects of the runway closure during and after the incident,” ani Poe.

Libu-libong pasahero ang naperwisyo nang sumadsad sa NAIA ang Xiamen Flight MF8667 nitong Huwebes, at nagdulot ng pagkaparal­isa ng operasyon ng paliparan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines