Balita

Lapinig police, 'di sangkot sa drug trade —mayor

- Nestor L. Abrematea

TACLOBAN CITY - Mariing itinanggi kahapon ni Lapinig, Northern Samar Mayor Ma. Luisa Menzon na sangkot sa bentahan ng illegal drugs ang puwersa ng pulisya sa kanyang lugar.

Ito ang naging tugon ni Menzon sa alegasyon ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na kaya nila nilusob ang Lapinig police station ay dahil sa nasabing usapin.

Aniya, malayo sa katotohana­n ang nabanggit na paratang na inilabas ni Rodante Urtal Command spokesman Amado Pesante ng NPA, kamakailan.

Pagtatangg­ol nito, maganda ang nagingperf­ormance at reputasyon ng kanilang pulisya.

Maliit lamang, aniya, ang kanilang munisipali­dad at wala ring kakayahang bumili ng ilegal na droga ang mga mamamayan nito.

Dagdag pa ni Menzon, matagal nang idineklara ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa Eastern Visayas at ng Northern Samar Provincial Police Office na "cleared" sa ipinagbaba­wal na gamot ang kanilang bayan.

"The people of Lapinig and from other places know us personally that we are good people and we are a drug-cleared municipali­ty as declared by PDEA last year together with the PNP. I vehemently deny that statement of the NPA that my policemen are into drug trade in the province because we are a small place and our town is in a remote area where the people are poor and cannot afford to buy drugs," aniya.

Matatandaa­ng nilusob ng aabot sa 100 na rebelde ang naturang police station na tinangayan pa ng iba’t ibang armas at salapi, na nakatakda sanang ipamahagi sa mahihirap na pamilya, nitong Agosto 10.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines