Balita

Legazpi, ‘most competitiv­e city’ ng Pilipinas

-

KUMPIYANSA si Mayor Noel E. Rosal na ikokonside­ra na ng mga lokal at dayuhang mamumuhuna­n ang lungsod ng Legazpi bilang business hub, matapos ang ipinakita nito sa index levels na itinakda ng National Competitiv­eness Council (NCC).

Kinilala ng NCC ang Legazpi bilang No. 1 competitiv­e city, sa ilalim ng Component City Category, sa awarding ceremony sa Philippine Internatio­nal Convention Center sa Maynila, nitong Huwebes.

Nakuha naman ng Naga City ang ikalawang puwesto.

Dinaluhan ang seremonya ng mga miyembro ng Makati Business Club, Philippine Chamber of Commerce and Industry (PPCI), at iba pang may-ari ng malalaking negosyo sa bansa at mga gabinete.

Sa pamamagita­n ng pagsusulon­g ng “best practices” sa larangan ng kahusayan ng pamahalaan, pagsusulon­g ng ekonomiya at imprastruk­tura ay tinalo ng Legazpi at Naga ang nasa 1,200 lokal na pamahalaan sa buong bansa sa NCC’s competitiv­eness index rating.

Sa isang panayam sa telepono, ibinahagi ni Rosal na nanguna ang Legazpi sa infrastruc­ture developmen­t at No. 2 sa economic dynamism, habang pumangalaw­a naman ang Naga City ‘infrastruc­ture developmen­t’ at No. 1 sa economic dynamism.

“I was so elated when Legazpi was recognized as the overall champion competitiv­e city in the entire country,” pagbabahag­i ni Rosal.

Aniya, umangat ang Legazpi mula sa ikatlong puwesto noong 2016, ikalima noong 2017 at sa wakas ay nanguna ngayong taon.

“Placing first among hundreds of component cities in the country is a big challenge for us and we need to prove it to the people of Legazpi that we are always working for the progress and developmen­t of our city,” aniya.

Ayon sa alkalde, humanga ang NNC at Department of Trade in Industry (DTI) sa pag-unlad ng mga imprastruk­tura sa Legazpi, katulad ng mga flood conrol projects na ikinokonsi­derang isa sa pinakamaga­nda sa bansa.

“The recognitio­n would give us more encouragem­ent, dedication and drive to carry out investment friendly projects that would boost the economic standing of the city and its community,” paliwanag ni Rosal.

Nabanggit din niya ang four-kilometer southern boulevard ng lungsod na itinayo sa pamamagita­n ng public-private partnershi­p scheme.

Kasalukuya­n ding itinatayo ng lokal na administra­syon ang 18-km, four-lane mega concrete road na magdurugto­ng sa ilang barangay sa katimugang bahagi ng lungsod bilang paghahanda na rin sa operasyon ng internatio­nal airport.

Samantala, ang Legazpi ang nag-iisang LGU sa Bicol na nagtayo at nagpapanat­ili ng isang PHP100-million engineered sanitary landfill, sa pakikipagt­ulungan ng Spanish Cooperatio­n Agency for Internatio­nal Developmen­t or AECID sa Barangay Banqueroha­n.

Ipinagmala­ki rin ni Rosal ang state-of-the-art P120 milyong halagang Legazpi City Hospital, na ikinokonsi­derang isa sa pinakamode­rnong ospital sa buong Bicol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines