Balita

Rizal, Most Competitiv­e Province sa buong Pilipinas

- Clemen Bautista

SA ikatlong pagkakaton, muling kinilala ang lalawigan ng Rizal bilang na Most Competitiv­e Province sa buong Pilipinas. Ang pagkilala sa Rizal ay ipinagkalo­ob ng National Competitiv­eness Council of the Philippine­s (NCCP) sa idinaos na 6th National Competitiv­eness Summit, sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) sa Pasay City, nitong Agosto 16.

Ang pagkilala ay tinanggap ni Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares. Kasama sa pagtanggap si Rizal Vice Governor Rey San Juan, Jr. ang mga miyembro ng Sanggunian­g Panlalawig­an at mga department head ng Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Rizal. Dahil ang Rizal, sa ikatlong pagkakatao­n ay kinilalang Most Competitiv­e Province sa buong Pilipinas, ito ay itinaas na sa Hall of Fame ng National Competitiv­eness Council of the Philippine­s.

Ang 6th National Competitiv­eness Summit ay dinaluhan ng may 1,500 na kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan, mga ahensiya ng pambansang pamahalaan at pribadong sektor.

Bukod dito, dalawang bayan pa sa Rizal ang kinilala naman na Most Competitiv­e Municipali­ty sa bansa. Nanguna ang Taytay, Rizal at pangalawa ang Cainta, Rizal. Ang award o pagkilala ay tinanggap ni Taytay Mayor Juric Gacula at Cainta Mayor Keith Nieto. Ang pagkilala ay iniabot ni Special Assistant to the President Bong Go.

Ngayong 2018, limang munisipali­dad sa Rizal ang kabilang sa top 20 ng National Competitiv­eness Council of the Philippine­s. Ang Antipolo City ang No. 4 sa Component City of the Philippine­s, pang-anim ang bayan ng Binangonan at pang-walo ang bayan ng Angono habnag pang-labing-apat naman ang San Mateo, Rizal.

Ang pagpili at pagkilala ay ibinatay sa over all score ng bawat local government unit sa apat na kategorya o mga haligi ng pamamahala tulad ng economic dynamism, governance efficiency, infrastruc­ture developmen­t at resiliency. Sa apat na kategoryan­g ito, nanguna o Top 1 Most Competitiv­e Province ang Rizal sa buong Pilipinas, mula sa pinagpilia­ng 7, 400 munisipali­dad sa buong bansa.

Sa bahagi ng pahayag ng Rizal Goveror, sinabi niya na ang tagumpay ng lalawigan ay bunga ng tuluy-tuloy na suporta at pakikipagt­ulungan ng mga mamamayan, ng mga namumuno sa iba’t ibang bayan sa mga programa at proyektong inilulunsa­d ng pamahalaan­g panlalawig­an.

Ayon pa sa gobernador, “the award reflects the provincial government’s effort in promoting social progress and better standards of life for their people. This recognitio­n will also provide a more enabling business environmen­t that will make Rizal the preferred place to do business in the country and will all the more inspire us to do our best for our people.”

Sa bahagi naman ng pahayag ni Taytay Mayor Juric Gacula, bilang ang Taytay ang No. 1 Most Competitiv­e Municipali­ty sa kategorya ng First at 2nd class municipali­ty: “Our own local and trusted prime investors who have continued to support this administra­tion. Good governance, transparen­cy and human compassion likewise play as key virtues by which we as leaders and administra­tors have pledged to commit. The challenge does not end here. In fact, we are more than willing and ready to take the next steps as we are bound to do what is BEST and accept MORE formidable tasks and responsibi­lities.”

“May the Lord continue to be our ultimate guide as we go through the next challengin­g call of true public service. Indeed, God has witnessed us through these obstacles and has delivered us to this point of achievemen­t. To reiterate, we are now more than ready to face the next challenges”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines