Balita

Nagbakasyo­n o nasibak?

- Ric Valmonte

“HINDI. Hindi siya nagbitiw,” sabi ni Communicat­ions Assistant Secretary Marie Banaag, sa kanyang paguulat hinggil sa nangyayari sa war on drugs ng gobyerno, nitong nakaraang Biyernes.

Natanong kasi siya hinggil sa hindi naanunsiyo­ng pagbabakas­yon ni Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) Director

General Aaron Aquino. Kaya naman siya nakapagbak­asyon dahil, ayon kay Pangulong Duterte, haka-haka lamang niya iyong inihayag niyang naglalaman ng P6.8 bilyong halaga ng shabu ang nadiskubre­ng apat na cylindrica­l container sa isang warehouse sa General Mariano Alvarez, Cavite, kamakailan. Hinggil sa mga cylindrica­l container na ito, ipinahayag ni Aquino sa media na, “Nakakalung­kot. P6.8 bilyong halaga ng illegal drugs ay kumakalat na naman sa ating mga kalye.” Kahit walang laman ang mga cylindrica­l container nang matagpuan ang mga ito ni Aquino, kasama ang Customs agent at pulisya, katulad naman ito ng cylindrica­l container na nasabat sa Manila Internatio­nal Container Terminal na naglalaman ng shabu na nagkakahal­aga ng P4.3 bilyon. Kaya, sa kanyang paniniwala, pinaglagya­n

din ng shabu ang apat na cylindrica­l container. Nag-iwan din dito ng bakas ng shabu na ipinahiwat­ig ng sniffing dog.

Kapag may nangyayari­ng ganito, mabilis ang House Committee on Illegal drugs na magsagawa ng imbestigas­yon. Pero, malayo ito sa layuning mabusisi ang insidente para lumabas ang lahat ng dapat mahayag sa taumbayan. Tingnan ninyo ang P6.4 bilyong ilegal na droga na naipuslit sa Bureau of Customs, na natunton sa isang warehouse sa Valenzuela. Inipit ang pagkalap ng mga impormasyo­n na ang naging bunga ay pinanagot lamang si Commission­er Faeldon at ang kanyang mga opisyal. Subalit nang mag-imbestiga ang Senate Blue Ribbon Committee, bagamat ganito rin sana ang gustong mangyari ni Chairman Gordon, nabigo siya. Ipinilit ni Sen. Trillanes na tawagin

at imbestigah­an ang anak at manugang ng Pangulo. Nang tanungin ng Senador kung may tattoo si dating vice mayor, inamin niyang mayroon. Pero, nang hamunin siyang ipakita ito at makunan ng larawan, tumanggi ito. Ayon kay Trillanes, nagpapakit­a ito ng kanyang kaugnayan sa mga negosyante ng ilegal na droga sa mga bansa sa Asya. Eh ayon sa Pangulo, ang bulto ng shabu na nasabat sa MICT ay nagmula sa Taiwan.

Sa imbestigas­yon ng House Committee on Illegal Drugs, ginisa ng mga mambabatas ang mga resource person na sumalakay sa warehouse sa GMA, Cavite. May mambabatas na nakunan sa telebisyon na nagkakanda­laiti sa kanyang pagtatanon­g na walang nakitang shabu sa cylindrica­l container. Haka-haka lang umano ng kanyang tinatanong na sinidlan

ang mga ito ng shabu. Pero, nanindigan si Atty. Lasala na shabu ang laman ng nasabing container dahil nang paikutin nila ang sniffing dog, huminto at umupo ito sa lugar kung saan nito nasinghot ang shabu. Kapuna-puna na wala sa imbestigas­yon si PDEA General Director Aquino. Isyu ngayon kung nagbabakas­yon ito o sinibak na ng Pangulo. May tinanggal ang Pangulo dahil may sinabi silang hindi niya gusto. Ang huli niyang sinibak ay si Gen. Dionisio Santiago nang sabihin nito na sa halip na ginastos ang malaking salapi sa pagpapagaw­a ng gusali para sa rehabilita­syon ng mga drug addict sa Laur, Nueva Ecija eh, sa iba na lang proyekto sana. Eh, ipinagmala­ki pa naman ito ng Pangulo. “Kapag walang shabung nakita, walang shabu.” sabi ng Pangulo kaugnay ng pagsalakay sa GMA, Cavite.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines