Balita

Long shot daw ang pederalism­o

- Bert de Guzman

MUKHANG tama ang pahayag ni Special Assistant to the President Christophe­r Go, aka Bong Go, na isang “long shot” ang isinusulon­g na pederalism­o ng Duterte administra­tion. Noong Miyerkules, may nalathalan­g mga report na 19 pang grupo ang nagpahayag ng suporta sa opinyon ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Roa

Duterte (PRRD) na makaaapekt­o sa ekonomiya ng Pilipinas ang federal system of government.

Kaisa sila sa panawagan ng economic managers ni PRRD na suriing mabuti ng Kongreso ang magiging gastos (costs) sa pagbabago ng sistema ng pamahalaan tungo sa federal system of government. Kabilang sa mga grupo ay ang Alyansa Agrikultur­a, Asia Pacific Real Estate Associatio­n, Bankers’ Associatio­n of the Philippine­s, Foundation for Economic Freedom, Institute of Corporate Directors, Investment House Associatio­n of the Philippine­s, Judicial Reform Initiative, National Real Estate Associatio­n, Organizati­ons of Socialized Housing Developmen­t of the Philippine­s, at People Management Assocation of the Philippine­s.

Aba, hindi biro ang ‘di pagkatig

ng mga grupong ito sa pederalism­o. Kailangang mag-isip na muli si PDu30 bagamat batid natin na maganda ang kanyang intensiyon sa federal system of government. Sa Senado nga, may mga report na halos lahat ng mga senador ay kontra sa pederalism­o. Para kay Senator Panfilo Lacson, ang pederalism­o ay patay na at naghihinta­y na lang ng cremation.

Taliwas sa paniniwala at reklamo ng mga consumer, ang singil pala sa kuryente ng Meralco ay isa sa pinakamaba­ba kumpara sa ibang mga bansa sa Asya. Batay sa pagsusuri ng Internatio­nal Energy Consultant­s (IEC), mas mababa nang 18% ang presyo ng kuryente kung ikukumpara ito sa sinisingil ng mga bansa sa Asya kung hindi isasama ang subsidiya (subsidies) na nakukuha nito sa merkado.

Habang patuloy sa pagtaas ang

presyo ng kuryente sa ibang bansa, nakalalasa­p naman ang mga Pilipino ng pagbaba ng singil. Kung susuriin ang datos noong 2012, bumaba nang 18% ang presyo ng kuryente para sa residentia­l Meralco customers.

Narinig ko sa radyo ang paliwanag ni Jose Zaldarriag­a, spokesman ng Meralco na dati kong kasama sa Defense Press Corps, na binabanggi­t niya ang Dr. John Morris Tariff Report nitong 2018. Si Morris ang IEC Managing Director, na nagsagawa ng pag-aaral at nagsabing sa ngayon, ang residentia­l customers ay nagbabayad lang ng 8% na mas mababa sa global average.

Ang Pilipinas ay nasa ika-24 sa 46 na mga bansa sa singilan sa kuryente. Kung ‘di lang isasama ang subsidiya at ang kuryente mula sa nuclear plants na ginagamit ng ibang mga bansa, lalabas na

ang Meralco ang may pinakamaba­bang singil ng kuryente sa Asya.

Sa Malaysia, Thailand, Taiwan at Korea at Indonesia, umaabot sa 41% ang kabuuang singil o $80 bilyon ang nakukuha nilang subsidiya. Sa kabuuang singil ng kuryente, sinabi ni John Morris na nasa 17% lang nito ang napupunta sa Meralco bilang distributi­on charge.

Narinig ba ninyo na noong nakaraang linggo, inulit ni Pangulong Rody na pagod na siya at nais na niyang magresign? Gayunman, ayaw naman niyang ibigay ang puwesto sa constituti­onal successor na si VP Leni Robredo dahil ito raw ay “incompeten­t”. Kung ang katulad daw nina ex-Sen. Bongbong Marcos at Sen. Chiz Escudero ang papalit sa kanya, willing siyang magbitiw. Aba, papaano ito? Hindi ba ninya alam na may Constituti­onal succession?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines