Balita

Vitto Marquez, single since birth

FRIEND LANG SI BEA BINENE

- Ador V. Saluta

NALI-LINK sa Kapuso actress na si Bea Binene ang Hashtags member ng

It’s Showtime na si Vitto Marquez.

Sa presscon ng Petmalu, naitanong sa anak ni Joey Marquez ang tungkol dito, at kaswal ang naging sagot ng binata.

“Kaibigan ko siya. Mahal ko siya as a friend,” ani Vitto.

Nilinaw din ng batang Marquez na bukod sa pagiging friends, hindi pa raw nagle-level up ang kanilang samahan.

“Wala, kaibigan (lang)!” nilinaw niya.

Sakaling makarating kay Bea ang kanyang sagot, ready ba siyang pangatawan­an na sila’y magkaibiga­n lang pala?

“Basta, hindi ko idine-deny at ayoko rin kasing mag-namedrop.” Mayroon daw siyang ibang minamahal sa ngayon, at taga-showbiz din. Same network ba sila?

“Hindi, pero hindi pa naman kasi ako artista noong time na ‘yun. Ngayon kasi, mahal ko talaga ang trabaho ko, sobra,” sabi ni Vitto. “’Yung love sa tao, hindi naman nawala, nandiyan lang ‘yun, pero mas pina-prioritize ko ang trabaho ko.”

Gaya ng co-Hashtag member niyang si Jon Lucas na umamin kamakailan na may anak na, naitanong din kay Vitto kung isa rin siyang batang ama?

“Ako?!” nandidilat niyang pagtanggi.

Naiintindi­han naman daw ni Vitto na may dahilan kung bakit nagkaroon na ng anak ang ibang members ng Hashtags.

“May dahilan kung bakit nangyayari. Ako po kasi, gusto kong maging successful. Gusto kong maipakita ‘yung platform na gusto kong maiwan sa showbiz.”

Lumaki si Vitto sa showbiz dahil sa mga magulang niyang parehong

artista—sina Joey Marquez at Alma Moreno. Nasa showbiz din ang ate niyang si Winwyn Marquez, pati ang half brothers niyang sina Vandolph Quizon at Mark Anthony Fernandez.

Marami naman ang hindi makapaniwa­la nang sabihin ni Vitto na at his age ngayon na 22 ay “SSB” siya, o single since birth?

Ibig niyang sabihin, nanliligaw at nagkakaroo­n naman siya ng friends na babae, pero hindi umabot na nakipagrel­asyon siya.

“Wala pa akong naging girlfriend, pero may minahal ako,” aniya.

Hindi lang daw naging official ang relasyon nila kaya hindi sila nauwi sa relasyon.

“Siguro hindi po kasi ako mabilis ma-fall. I tried naman, pero may gusto po kasi ako sa buhay na marating na alam ko na kaya ko.

“Siguro po kasi, kapag kinakausap ko ang tatay ko, hindi niya ako kinakausap na parang bata. So, lahat ng sinasabi niya sa akin, pumapasok sa isip ko.”

Masaya si Vitto sa takbo ng kanyang career, from It’s Showtime, bilang Hashtags member ay unti-unti na siyang nagkakaroo­n ng film projects. Para sa batang aktor, may gusto siyang patunayan sa sarili. Para raw sa kanya, sa pamilya, parang siya pa lang ang walang napapatuna­yan.

“May gusto po talaga akong ipakita sa tao na kaya kong mag-isa. Kasi, underdog ako sa pamilya. Parang ako yung nanliliit sa mga kapatid ko. Kasi, ang kapatid ko, lawyer, doctor, businessma­n. Hindi ko alam kung saan ako pupuwesto.

“Pero dito ko nakita, mahal na mahal ko po ang trabaho ko. Lahat ng nangyayari sa Showtime, mga movies, hands-on po talaga ko,” sabi pa ni Vitto.

 ??  ?? Vitto
Vitto

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines