Balita

Mark, enjoy sa kontrabida roles

-

KASABAY ng celebratio­n ni Mark Herras ng ika-13 niya sa showbiz ay pumirma siya ng exclusive contract sa GMA Network nitong Huwebes.

Nagpapasal­amat si Mark na simula nang manalo siya bilang unang StarStruck Ultimate Male Survivor ay hindi siya pinabayaan ng Kapuso network.

“Ako, malakas ‘yung loob kong sabihin na I will be with GMA, and kung puwede nga habang buhay, I will stay dito. Kasi ito talaga ‘yung nagbigay sa akin ng opportunit­y na maging artista, na matulungan ‘yung family ko and maging maayos ‘yung buhay ko. So ‘yung loyalty ko talaga is with GMA,” sabi ni Mark.

Minsan nang tinagurian bilang Bad Boy of the Dance Floor, marami pang nais patunayan sa kanyang sarili si Mark. Kamakailan, sumabak na rin siya sa pagkokontr­abida, at enjoy ito ng aktor dahil higit na nahahasa ang husay niya sa pag-arte.

“Nasimulan sa The Cure ‘yung kontrabida roles. So mostly ngayon, mga ganun ‘yung gagawin namin. Mas challengin­g gawin, at doon ko kasi mas kayang laruin ‘yung karakter sa screen,” sabi ni Mark.

Appreciate­d din naman ni

GMA Chairman-CEO Atty. Felipe

Gozon ang loyalty ni Mark sa

Kapuso Network.

“Well, natatandaa­n ko si Mark na kauna-unahan siyang nanalo sa

StarStruck. Original ‘yan. That’s why he’s really home-grown. And I am very glad that he’s succeeding in his craft,” ani Gozon.

Ibinalita naman ni GMA Entertainm­ent Content Group Senior Vice President Lilybeth Rasonable na after ng The Cure ay malapit nang magbalik-primetime si Mark.

“Nakita naman natin ‘yung developmen­t niya as an actor, kaya natutuwa tayo. So we want to give him more challengin­g roles. We’re glad because he is able to stretch his abilities and it shows his maturity and his growth as an artist, na willing to tackle not only good boy roles but also a wider range of roles,” sabi ni Ms Lilybeth.

 ??  ?? Mark
Mark

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines