Balita

Donita ready na uling ma-in love

- Nora V. Calderon

CELEBRITY chef na ang title ng aktres na si Donita Rose, sa pagbabalik ng cooking show niyang Heart Mate Kitchen’s

Season 2 Cooking Capsules, na magsisimul­a na sa August 22 until October, 2018.

“I’m very excited nang malaman kong babalik ang show pero nabigla ako na ngayon na, wala akong time na magprepare,” kuwento ni Donita sa mga entertainm­ent press.

“Mangiyak-ngiyak talaga ako, pero madali ko rin namang naihanda iyong 12 capsules na mga Filipino food, sa tulong ng Jolly Heart Mate Canola Oil.

“Makakasama ko rito ang mga favorite Kapuso stars like ang slumber party meal for kids with Camille Prats, out-of-town baon food with Mikael Daez, post-work-out meal with Rocco Nacino, a dish to impress by Jason Abalos’ grandparen­ts, heart-healthy breakfast for Julie Anne San Jose, family-friendly dish for Zoren Legaspi’s kids, a movie dinner meal with Yasmien Kurdi.

“Ang mga recipes na ipakikita namin, ay madali lamang ihanda at iluto.”

Hindi ipinagdamo­t ni Donita ang mga food na niluluto niya na budget friendly, at kung ano ang madalas na i-order sa kanya, like ang sizzling bulalo, deep fried pork belly, binagoonga­n pork belly, chicken binakol, at lamb adobo.

Wala bang balak si Donita na magtayo ng sariling restaurant? Sey niya, wala siyang perang gagamitin para magtayo ng restaurant. Kung may investor daw ay okay sa kanya, pero ayaw daw niya kasing gumamit ng pera ng iba.

Alam naman ng lahat ang nangyari sa love life ni Donita, pero open na siyang pag-usapan ito dahil nakapag-usap na sila ng former husband niya. Naka-move on na rin siya.

Kumusta naman ang anak nilang si JP who’s now 14 years old?

“Kababalik lang niya, he enjoyed daw his vacation with his Dad. Hindi mahirap pakainin si JP, pero paborito niya ang sinigang salmon belly. Lahat daw naman ng niluluto ko ay gusto niya dahil masarap akong magluto.”

Kung okay na siya, open na rin ba siyang tumanggap ng new suitors?

“Yes, bukas na ang puso ko.”

Mapapanood ang Heart Mate Kitchen Season 2 produced by GMA 7 and Jolly Heart Mate Canola Oil, during commercial gaps of Unang Hirit and Wowowin during weekdays, at sa Sarap

Diva and Kapuso Movie Festival during weekends.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines