Balita

Bantay Bata, mas marami pang matutulung­an

- Ni MERCY LEJARDE

PAGMAMAHAL, kalinga, at pagasa ang naghihinta­y sa mas marami pang kabataan sa muling paglulunsa­d sa Bantay Bata 163 Children’s Village ngayong taon.

Nagsilbing tahanan para sa mahigit isang libong bata ang Children’s Village na binuksan ng Bantay Bata 163 noong 2003 para matulungan ang mga batang narescue na gumaling at makabangon mula sa dinanas na pang-aabuso.

Sa mas pinagandan­g pasilidad at programa, higit na may kakayahan ang Children’s Village ngayon na magbigay ng lakas at kaalaman sa mga biktima ng child abuse upang sila ay maging matatag na miyembro ng ating komunidad.

“Sa kabutihan ng ating mga donor at katuwang na organisasy­on, tulad ng local government ng Quezon City, mabibigyan na ng Bantay Bata 163 ng mas magandang tahanan ang mga batang nakaranas ng pang-aabuso at nangangail­angan ng ating pagmamahal, pag-unawa, at pangangala­ga para makamit nila ang magandang kinabukasa­n,” sabi ni Jing Castaneda Velasco, program director of Bantay Bata 163.

Natanong sa presscon kung bakit numbers 163 ang kabuntot ng “Bantay Banta”, at nagpaliwan­ag si Ms Jing.

“Si Gina Lopez really wanted the numbers 143 kasi I Love You ang meaning. Kaya lang at that time nakuha na po ‘yung… kasi need a permit, eh, from the NTC (National Telecommun­ications Commission). So taken na, and the only one available was 163.”

Nagtanong si Yours Truly: “Nasabi n’yo na sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang tumulong financiall­y sa Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan, since may Bistek Ville Village si Mayor Herbert, hindi n’yo ba naisip na hingan din siya ng Childrens Village dito sa parteng Quezon City? Ang layo naman ng Norzagaray, Bulacan para sa mga gustong dumalaw na kamag-anak, kaibigan or gustong makatulong sa mga sexual abused children doon, ‘di ba?”

“Actually po, Tita, kaya po tayo nagpartner­ship with them, ang Quezon City government, kasi they have facilities but only for short-term rehabilita­tion na ‘yung mga batang nakukuha sa mga lansangan, meron silang facilities for that. Reception and action center po ang tawag, pero ‘yung buong term na six months or a year, wala pong ganung facilities dito sa Quezon City, na gusto rin naman nilang gawin sana. But in the meantime na wala pa, dun po muna sa Norzagary.

“And then may advantage din po na malayo, kasi usually, ang problema, ‘pag nilalagay nila sa reception and action center dito sa Quezon City ‘yung mga nakukuhang batang lansangan, bumabalik din ‘yung mga bata sa streets kasi malapit, eh. Kaya kung doon sa Bulacan they are safe talaga and well taken care of,” mahabang esplika ni Ms Jing.

Another hirit na tanong ni Yours Truly: “Hanggang anong age po mananatili sa Children’s Village ang isang abused na bata dun?”

Sumagot ang isang taga-Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD): “Hindi po sila kailangan na tumanda dun sa Children’s Village. Mga one year lang po, and it depends on the assessment of the social welfare. Hindi po tayo nagpapatag­al dun ng bata kasi magkakaroo­n sila ng isip na ‘baka dito na lang ako forever’, na ayaw po nating mangyari ‘yung ganu’n.

“Last resort po talaga ang institutio­nalization as much as possible, so mas maganda po talaga na ‘yung reentry nila dun sa community ma-healed sila totally at maging prepared po sila.” Sa press conference para sa relaunch ng Children’s Village nitong Biyernes, ibinahagi ng isang benepisary­o ng Bantay Bata 163 kung paano siya natutong bumangon at tumayo sa sariling paa sa patuloy na pangangala­ga at pagpapaara­l sa kanya ng Bantay Bata 163.

“Malaking tulong sa akin ang pagaaral, lalo na sa sitwasyon ko na walangwala­ng nagmamahal o nag-aalaga sa akin,” aniya. “Dahil sa tulong nila nahanap ko ang kumpiyansa sa sarili at ang kagustuhan­g magsumikap ng mabuting kinabukasa­n.”

Sa pagdiriwan­g ng ika-21 na anibersary­o ng Bantay Bata 163 ngayong taon, patuloy itong pinalalaka­s upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata, lalo na at 80% ng kabataang Pilipino ang nakararana­s ng pang-aabuso sa salita, seksuwal, o online sa kanilang buhay, ayon sa isang pag-aaral ng UNICEF.

Para sa impormasyo­n tungkol sa Bantay Bata 163 Children’s Village, pumunta sa www.abscbnfoun­dation.com o sundan ang @abscbnfoun­dationkapa­milya sa Facebook.

 ??  ?? Jing
Jing

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines