Balita

Ikatlong labas

- R.V. VILLANUEVA

ALAS nueve ng gabi. Kagagaling lang nina Fermin at Nena sa isang pribado, upahang silid, sa Ermita, Maynila.

“Bakit natin ginawa ‘yon,

Fermin?”

“Hindi na ako makatiis, Nena.” “Pero hindi pa tayo kasal.” “Pakakasal din naman tayo. Mahal mo ‘ko, mahal kita, di ba?”

Si Fermin ay biyahero. Hindi siya malaking negosyante. Biyahero siya ng samu’t saring paninda. Ang mga pangunahin­g niyang paninda ay mga mumurahing bag at pitaka. May mga paninda rin siyang mga gamit pambahay tulad ng walis tambo, walis tinting, bunot ng niyog, dusk pan, banig, kulambo at samu’t saring klase ng pamaypay. Nitong dakong huli, nadagdag ang ilang klase ng babay dress at mumurahing shorts na panglalaki at pambabae. Arkilado niya ang isang luma, maykahabaa­ng dyip na pag-aari ng kanyang kumpareng steve. Ang biyahe niya sa mga probinsiya sa Norte. Suki niya ang mga maliliit na sulok-sulok ng palengke at talipapa.

“Tana na sa akin ang maliliit na pamilihan,” sinasabi niya sa kanyang kumpareng Steve. “Mahirap kalaban ang mga negosyante­ng malaki na karamihan ay mga dayuhan. Kanila siyempre ang mga mall at supermarke­t.”

Si Nena Santos ay mananahi. Namamasuka­n siya sa isang hndi malaking patahian ng mga baby dress. Dahil solong katawan na siya, ulilang lubos, stay-in na siya sa mismong patahian. Ang patahian, na isang lumang at may kalakihang bahay, ay may ilang maliliit na kuwartong paupahan na laan sa mga mananahi.

Si Fermin ay bunso sa tatlong magkakapat­id na panay na lalaki. Ang dalawa niyang Kuya ay may asawa na at may tig-isang anak. Kahit na may mga asawa na ang kanyang mga kuya, kasuno pa rin sila ng kanyang mga magulang. Nangungupa­han sila sa isang lumang apartment sa kalye F. Varona (dating Bangkusay) sa Tundo. Sa ngayon, ang kalye ay muling ibinalik sa pangalang kalye Bangkusay.

Ang patahiang pinapasuka­n ni Nena ay nasa kalye Velasquez. Ang Bangkusay at Velazquez ay parallel sa isa’t isa at may ilang metro ang agwat. Halos magkatapat­a ang inuupahan nina Fermin at ang patahian nina Nena, Pareho silang nasa korner ng kalye Sande at naka-krus sa Bangkusay at Velazquez. Maituturin­g na magkapit-bahay lang sina Fermin at Nena.

“Ano kaya, Fermin... kung ituloy na natin ang plano natin?”

Matagal bago sumagot si Fermin. Bumuntong hininga muna bago magsalita. “’Yon din naman ang iniisip ko, Nena.”

NAROON sila sa kantina ng patahian. Nag-mimiryenda. Mag-iisang taon na silang kasal. Buhat ng ikasal, umallis na si Nena sa inuupahan niyang kuwarto sa patahian. Sumuno na sila sa mga magulang ni Fermin kasama ng dalawa pang pamilya ng mga kuya ni Fermin.

“Makaya kaya natin?” may duda si Fermin.

Plano na nilang humiwalay sa mga magulang ni Fermin. Kung tutuusin, napakamura ng kanilang share sa inuupahang apartment ng parents nila. Hindi rin namang masasabing masikip sila kahit naroon pa ang pamilya ng dalawa niyang kuya. Akupado na iyon ng mga magulang ni Fermin at makunsider­asyon naman ng may edad na ring mga may-ari.

“Bakit naman hindi?”May tatag ang boses ni Nena. “Kumikita naman tayo ng higit sa ating pangangail­angan. Saka, di ba pangarap natin, ‘pag kasal na tayo, magsarili?”

Sandaling nag-isip si Fermin. “Mas praktikal kung maghahanap muna tayo ng mas murang malilipata­n.”

Tumawa si Nena. “Palagay ko, ‘yang takbo ng utak mo ang hindi praktikal.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines