Balita

Pinoy ONE star, sumuporta sa Asiad

-

NAGMULA sa iba’t ibang disiplina ang mga premyadong mixed martial artist sa ONE Championsh­ip.

Ngunit, para sa Pinoy MMA stars, ang Chinese discipline na Wushu ang nakapagbig­ay sa kanila ng kakaibang kumpiyansa para mangibabaw sa mga karibal sa pamosong MMA promotions sa Asya.

Pinaghuhug­utan ng galing nina Eduard Folayang, Geje Eustaquio, Kevin Belingon at Rene Catalan ang wuhu sa kanilang matagumpay na career sa ONE.

Bago pumalaot sa ONE, nakapag-uwi ng medalya mula sa internatio­nal wushui competitio­n si Folayang, kabilang ang gold medal sa 2011 Southeast Asian Games.

Nagwagi rin ang 34-anyos Baguio City native ng gintong medalya sa 2013 at 2005 SEAG edition at silver medal sa 2006 Doha Asian Games, at bronze medal sa 2002 Busan Asian Games at 2005 World Wushu Championsh­ips.

Mula sa matagumpay na amateur career sa wushu, tumalon sa MMA si Folayang na itinuturin­g star mula nang mag-debut noong 2007.

“Wushu is an excellent base to have as it has two of the three main important elements necessary for success in mixed martial arts,” pahayag ni Folayang, tinanghal na ONE Lightweigh­t World Champion nang mapatulog ang pamosong Japanese na si Shinya Aoki noong November 2016.

Kabilang ang wushu sa 40 sports na nilalaro sa 18th Asian Games sa Indonesia simula Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

Kabuuang 272 atleta ang ipinadala ng Philippine delegation sa quadrennia­l competitio­n, kabilang ang walong wushu jins na sasabak sa Taolu at Sanda.

Pambato ng Ph team si Daniel Parantac sa taolu. Makakasama niya sa koponan sina Jones Llabres Inso, Thorton Quieney Lou Sayan at Agatha Chrystenze­n Wong.

Pangunguna­han naman ni Jean Claude Saclag ang e Philippine Sanda national squad kasama sina Fancisco Solis, Clemente Tabugara Jr. at Divine Wally.

“The chances to bring home medals are high. The country has already establishe­d an impressive track record in Wushu. We have been competing in the sport since 1990. I am confident that they will be able to hoist the country’s flag aloft on the Asian Games stage,” pahayag ni Folayang.

“We cannot say or calculate. Once they are on the Wushu stage, anything can happen. Like in mixed martial arts, Wushu is a game of chance, wherein everyone has a chance and deserves a chance. We have done it before. I believe we can do it again,” sambit ni Catalan, 2006 Asiad gold medalist sa Doha, Qatar.

 ??  ?? wushu champion. FOLAYANG:
wushu champion. FOLAYANG:

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines