Balita

Pinoy gymnasts, aarangkada

-

JAKARTA — Kumpiyansa sina Asian Games rookies Carlos Edriel Yulo at Reyland Capellan sa kanilang kampanya na makapaag-uwi ng medalya sa gymnastics na magsisismu­la ngayon sa Jakarta Internatio­nal Expo Kanayoran Hall D. Sasabak ang 18-anyos na si Yulo, tinagurian­g the prince of the Palarong Pambansa, para tumbasan ang suporta ng pamahalaan at ng Gymnastics Associatio­n of the Philippine­s (GAP).

“I am ready this time at gusto ko pong maipakita ang buong makakaya ko para makapagwag­i ng medalya para sa bansa,” sambit ni Yulo, silver medalist sa floor exercise sa 2018 Doha World Cup at bronze sa vault sa Melbourne World Cup Gymnastics 2018 sa Australia.

Nagwagi rin siya ng silver sa vault sa Baku World Cup 2018 sa Azerbaijan.

Lalaban naman si Yulo sa individual all-around, horizontal bar, pommel horse, parallel bars, vault, rings at paborito niyang floor exercise.

Nais patunayan ni Capellan, gold sa floor exercise at bronze sa vault sa nakalipas na Kuala Lumpur Southeast Asian Games, na karapat-dapat siya sa Asiad slots.

“Handa na po akong makipagsab­ayan sa kanila,” sambit ni Capellan, debutante sa Asiad tulad ni Yulo.

Lalaban lamang si Capellan sa vault at floor exercise.

Kasama rin sa team si Jan Gwynn Timbang, na sasabak sa vault, rings, horizontal bar, pommel horse, parallel bars at floor exercise.

Panlaban ng bansa sa Women’s Artistic Gymnastics sina Ma. Cristina Onofre (balance beam, floor exercise, vault and uneven bars), Carinne Leanne Bunagan (balance beam, floor exercise, vault and uneven bars) at Shieldanna­h Sabio at Marian Nicole Medina (individual all-around).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines