Balita

UST Tigers, malupit sa PVL

-

NAISALBA ng University of Sto. Tomas ang matibay na sistema ng karibal na University of the Philippine­s para makopo ang Final Four spot sa men’s division ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Collegiate Conference.

Nakabawi ang Tigers sa pagkadapa sa second set para maitarak ang 25-22, 19-25, 2522, 25-18 panalo nitong Linggo sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nahila ng UST ang perpektong marka sa pitong laro at patatagin ang kapit sa solong pangunguna.

“Second set according doon sa data nagkarga talaga ng service ang UP tapos ang tagal ng adjustment. Hindi agad nasunod ng mga bata ang instructio­ns ko pero noong third set nakuha naman ang instructio­ns so ayun back to business kami,” pahayag ni UST coach Odjie Mamon.

Nanguna si Joshua Umandal sa Tigers sa nakopong 17 puntos, tampok ang 15 atake, habang tumipa si Jayvee Sumagaysay ng 14 markers. Nag-ambag si Tyrone Carodan ng 12 puntos at kumabig si Genesis Redido ng 10 para sa Espana-based squad.

Laglag ang UP sa 4-3 kasama ng Adamson University at Far Eastern University sa ikatlong puwesto.

Samantala, naungusan ng NCAA champion University of Perpetual Help ang Arellano University, 25-16, 27-25, 24-26, 25-20, para sa ikalawang panalo sa pitong laro.

Hataw si reigning NCAAMVP Joebert Almodiel sa Altas sa natipang 17 puntos, habang kumana sina Ridzuan Muhali ng 15, at tumipa si Roniel Rosales ng 13 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines