Balita

‘D Beast si Juvic

-

BALIK sa kanyang trono ang tinagurian­g ‘Philippine golf bad boy’.

Laban sa papasikat na si Jobim Carlos, ipinamalas ni Juvic Pagunsan ang katatagan ng isang beterano sa krusyal na sandali ng playoff para angkinin ang ICTSI Negros Occidental Clasic nitong weekend sa Negros Occidental Golf and Country Club.

Naungusan sa driving shot sa par-4 No.1 sa ikalawang extra hole, nailapag ni Pagunsan ang second shot gamit ang wedge sa layong limang talampakan para sa isang set-up birdie shot. Nagmintis naman si Carlos sa sariling birdie shot sa layong siyam na talampakan.

“That was my plan and because I made a great approach from 60 yards, it put more pressure on Jobim,” pahayag ng multi-titled, ngunit kontrobers­yal na si Pagunsan.

Minsan nang dinisiplin­a ng local golf organizers ang Asian Tour champion dahil pagiging bugnutin sa laro at pagbatikos sa ilang panuntunan.

“It was an inspiring win,” sambit ni Pagunsan, galing sa ACL injury na nagpatigil sa kanyang kumampanya sa PGA Tour/

Tumapos si Pagunsan ng 67 para sa kabuuang nine-under 271 total, na nagawang pantayan ni Carlos sa naiskor na 68 sa birdie-par-birdie windup.

Naiuwi ni Pagunsan ang P650,000 premyo.

Abot-kamay na ni Pagunsan ang panalo sa regulation matapos isantabi ang laban ni Korean Kim Joo Hyung sa kaagahan ng final round at makausad ng dalawang stroke na bentahe kay Carlos bunsod nang bogey ng huli sa No.14.

Ngunit, nakabawi si Carlos sa krusyal na sandali para maipuwersa ang playoff.

Kapwa umiskor ng par sa par-5 18th ang dalawa, bago nagamit ni Pagunsan ang karanasan sa playoff.

“I went on an aggressive stance because that’s how Juvic plays. I have to match his. But I hit a rather bad stroke on the green,” sambit ni Carlos, naguwi ng premyong P430,000.

“Juvic hits consistent short game shots and that’s I think what I should do,” aniya.

Nakuha ni Jhonnel Ababa ang ikatlong puesto at P240,000 premyo sa naiskor na 67 para sa kabuuang 273.

 ??  ?? PAGUNSAN: PH golf bad boy.
PAGUNSAN: PH golf bad boy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines