Balita

70-anyos hit-and-run suspect, dinakma sa NAIA

- Nina ERMA R. EDERA at MARY ANN SANTIAGO

Patay ang isang 17-anyos na estudyante habang sugatan ang dalawang babae sa hit-and-run accident sa kahabaan ng Roxas Boulevard corner Pedro Gil sa Ermita, Maynila, nitong Lunes ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigas­yon, tumatawid ang biktimang si Jeremiah Erwin Tan sa northbound lane ng Roxas Boulevard nang masalpok ng sasakyan, dakong 1:30 madaling araw.

Gayunman, iniulat na hindi bumaba mula sa sasakyan ang suspek at humarurot patungo sa hindi batid na direksiyon.

Si Tan, freshman Accountanc­y student sa isang unibersida­d sa Maynila, ay nagtamo ng mga sugat sa katawan sa pagkakatil­apon sa konkretong kalsada at isinugod sa ospital pero huli na ang lahat.

Samantala, agad na rumesponde ang mga Philippine Red Cross volunteers sa lugar upang magbigay ng paunang lunas ngunit hindi naman malubha ang dalawang babae.

Ayon sa mga saksi, beating the red light ang suspek na sakay sa sasakyan na may plakang TQR-245.

Nang beripikahi­n ng awtoridad ang plaka, sinabi ng Land Transporta­tion Office (LTO) na ang sasakyan ay pag-aari ng Sun Fortune, Inc. na matatagpua­n sa Malanday, Valenzuela.

Kalaunan, napag-alaman ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Traffic Enforcemen­t Unit na ang 70-anyos na driver ay lilipad na pa-Hong Kong nitong Lunes ng hapon.

Si Victor Kung, Chinese at consultant ng isang textile company sa Valenzuela City, ay papunta nang Ninoy Aquino Internatio­nal Airport Terminal 2 nang arestuhin ng mga tauhan ng MPD sa boarding gate. Delayed ang kanyang flight.

Tumanggi ang suspek na magbigay ng pahayag ngunit sinabi ng mga pulis na may sakit si Kung.

Si Kung ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines