Balita

‘Goyo’, napangataw­anan ang pagiging historical epic

- Ni DINDO M. BALARES Paulo

EXCITED ang film buffs sa nalalapit na showing ng Goyo: Ang Batang Heneral na sinulat, idinirihe, edited, at nilapatan ng musika ni Jerrold Tarog.

Sa teasers pa lang, walang duda na napangataw­anan ng Goyo ang pagiging historical epic. Sequel ito ni Direk Jerrold sa Heneral Luna na naging surprise hit at mabilisang naging pop cultural icon.

Galing sa indie community ang mga tao sa likod ng Heneral Luna at Goyo, ang Artikulo Uno o TBA Production­s, kaya malayungma­layo sa molde ng commercial film outfits ang mga pamamaraan nila sa filmmaking at maging sa marketing.

Matatandaa­n na sa kabila ng matumal na first week ng Heneral Luna, pumik-ap ito nang husto nang mag-viral ng mga rebyu at posts ng millennial­s na nahumaling sa characteri­zation ni

Antonio Luna. Higit sa lahat, marami ang muling naging interesado sa Philippine history.

Star-studded ang Goyo sa pangunguna ni Paulo Avelino, na napanood na sa unang instalment. (Ayon sa produksiyo­n, si Pangulong

Manuel L. Quezon ang huli sa trilogy.) Susundan ng Goyo ang life story ng youngest general noong Philippine–American War, si

Gregorio del Pilar, na namatay sa Battle of Tirad Pass. Kontrobers­iyal ang pagkamatay ng mga heneral natin noon dahil sa pinagdudah­ang leadership ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Sa retelling sa Goyo, asahan nang muling mauungkat at mananariwa ang masasakit na sugat sa ating kasaysayan. Nakilala nang brutally honest bilang writer-director si Jerrold Tarog at ito ang dahilan kaya nailalaraw­an niya ang buong kulay ng katauhan ng pinakamata­tapang na bayani ng lahing kayumanggi. Binubuo rin niya na parang symphony ang kanyang obra-maestra kaya matatapos mo ang panonood sa pelikula na hindi namamalaya­n ang oras. Sa katunayan, inulit-ulit ng moviegoers ang Heneral Luna dahil sa timpladong info-tainment nito. Makakasama ni Paulo Avelino sa Goyo sina Carlo Aquino, Benjamin Alves, Epy Quizon, Mon Confiado, Empress Shuck, Gwen Zamora, Arron Villaflor, Art Acuña, Ronnie Lazaro, Bret Jackson, Jojit Lorenzo, Matt Evans, Perla Bautista, Alvin Anson, RK Bagatsing, Tomas Santos, Miguel Faustmann, Rafa Siguion-Reyna, Stephanie Sol, Ethan Salvador, Karl Medina, Che Ramos, Carlo Cruz, Gabby Padilla, Cedrick Juan, Brian Wilson, Jason Dewey, Hans Eckstein, at E.A. Rocha.

Sa Setyembre 5 na ipapalabas ang Goyo.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines