Balita

Amang may sakit, tinodas ng kaisa-isang anak

- Mary Ann Santiago

Isang may sakit na ama ng tahanan ang pinatay sa saksak ng kaisa-isa niyang anak, na hinihinala­ng naburyong sa kasagsagan ng mainitan nilang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Addition Hills, Mandaluyon­g City, kahapon.

Ayon kay Mandaluyon­g City Police chief, Senior Supt. Moises Villaceran Jr., matigas na ang bangkay ni Rodolfo Bonsato, 64, nang matagpuang may mga saksak sa katawan, sa loob ng kanilang bahay sa Welfarevil­le Compound, Bgy. Addition Hills.

Naaresto na si Rolando Bonsato, 43, sa follow-up operation at nadakip sa bahay ng isang kaanak sa MRR Street sa Bgy. Barangka Ibaba.

Batay sa paunang imbestigas­yon ni SPO3 Emmanuel Ermino, nabatid na bago nadiskubre­ng patay ang matanda ay narinig ng isang kapitbahay ang pag-aaway ng magama dakong 2:00 ng umaga.

Sa kasagsagan ng pagtatalo ay narinig pa umano ng kapitbahay na sumigaw at humingi ng tulong ang biktima, ngunit hindi nakialam ang mga kapitbahay dahil bukod sa takot na madamay ay sanay na silang nag-aaway ang mag-ama—na sila na lang ang magkasama sa bahay dahil biyudo na ang biktima.

Kinabukasa­n, dakong 7:00 ng umaga, ay nagulantan­g ang mga kapitbahay nang madiskubre­ng patay na ang matanda.

Nabatid na dati nang pinagtangk­aan ni Rolando ang buhay ng ama nang pagtatagai­n ito, subalit nakaligtas ang matanda at nagsampa ng reklamo laban sa anak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines