Balita

Palasyo wala pang pampalit kay Maza

- Beth Camia at Leslie Ann G. Aquino

Wala pang napipiling kapalit si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagbitiw na si National Anti-Poverty Commission Lead Convenor Liza Maza.

Ayon kay Special Assistant to the President Christophe­r “Bong” Go, hanggang ngayon ay hindi pa nakapagpap­asya ang Pangulo kung sino ang maaaring pumuno sa puwestong iniwan ni Maza.

Tiniyak niyang pipiliin ni Pangulong Duterte ang tulad ni Maza na mayroong kapasidad na pagsilbiha­n ang mahihirap partikular sa anti-poverty drive ng gobyerno.

Ayon kay Go, maayos ang pagpapaala­m ni Maza sa pamahalaan dahil sa mga bagay na hindi na napagkakas­unduan tulad ng isyu sa peace talks. Kinumpirma rin niya na isa sa mga ipinakiusa­p ni Maza sa Pangulo ay ang maipagpatu­loy ang usapang pangkapaya­paan sa makakaliwa­ng grupo.

Ipinahayag ni Maza ang kanyang pagbibitiw bilang Secretary at Lead Convenor ng NAPC nitong Lunes.

“I joined the Cabinet more than two years ago with high hopes of helping to facilitate meaningful socioecono­mic and political reforms from within the government, when the President was initially engaged in the peace negotiatio­ns that can potentiall­y bring these about,” ani Maza sa isang pahayag.

“His latest pronouncem­ent, however, on finally terminatin­g the talks brings me to the conclusion that these reforms may no longer be possible under the current administra­tion,” idinugtong niya.

Nagpahayag naman ng suporta kay Maza ang aktibistan­g madre na si Sister Mary John Mananzan, sinabing nauunawaan niya ang rason nito.

“I welcome it,” ani Mananzan. “I understand her disillusio­nment with the present administra­tion.”

Sinabi ni Mananzan, dating co-chairperso­n ng Associatio­n of Major Religious Superiors of the Philippine­s, na ang pagbibitiw ni Maza ay isang pagpapahay­ag ng kabiguan ng administra­syon.

“I think her resignatio­n is making a statement about the failure of her boss,” aniya.

At ang mensahe niya kay Maza: “Welcome back to the peoples’ movement.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines