Balita

Enforcer, 9 pa, laglag sa buy-bust

- Hanah Tabios

Nalambat ang 10 indibiduwa­l, kabilang ang isang menor de edad at isang Marikina traffic enforcer, sa buy-bust operation sa Marikina City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Israel “Totie” Moyano, 65; Bernie “Bernie” Mergillano, 36; Bernardo “Batac” Mergillano, Jr., 24; Jessie Gamino, 39; George Lucban, 44, Office of the Public Safety and Security (OPSS) traffic enforcer; Larry Lagayan, 37; Conrado Gamino, 41; Jayson Tolentino, 24; Lea Gamino, 34; at isang 17-anyos.

Ang mga suspek ay pawang residente ng Barangay Malanday, Marikina City.

Sa police report, dumulog ang mga impormante sa Marikina City Police Station at isinumbong ang umano’y ilegal na aktibidad ni “Totie” Moyano at magkapatid na sina “Bernie” at “Batac” Mergillano, na umano’y nagbebenta ng shabu sa No. 24, Minahan Main Street, Bgy. Malanday, Marikina City, bandang 2:00 ng hapon nitong Lunes.

Bineripika ni Chief Station Drug Enforcemen­t Unity Police Insp. Greco Gonzales ang impormasyo­n at ipinagutos ang buy-bust operation laban sa mga suspek.

Sa ganap na 9:03 ng gabi, nagtungo ang awtoridad sa lugar at isinagawa ang operasyon.

Pinosasan sina Moyano, “Bernie” Mergillano, “Batac” Mergillano at ang menor de edad dahil sa umano’y pagtutulak at pagkakasam­sam ng tigiisang pakete ng hinihinala­ng shabu.

Ang iba pang suspek ay inaresto sa aktong nagpa-pot session sa loob ng naturang lugar.

Narekober ang kabuuang siyam na pakete ng hinihinala­ng shabu, isang coin purse, P500 buy-bust money, isang piraso ng aluminum foil strip, isang nirolyong aluminum foil na ginamit umanong improvised tooter, at isang disposable lighter na may nirolyong aluminum foil na ginamit umanong improvised burner.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines