Balita

Mas pinaunlad na plano para sa Clark Airport

-

SA loob ng 36 na oras, isinara ang Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) sa airline traffic nitong Huwebes at Biyernes. Nasa mahigit 165 internatio­nal at local flights ang kinansela at libu-libong pasahero ang nagsiksika­n sa mga terminal ng paliparan sa loob ng ilang oras na walang mapuntahan, samahan pa ng mga airlines at paliparan na malinaw na hindi handa sa ganitong biglaang insidente.

Ang dahilan ng lahat ng ito ay ang Xiamen Air flight na sumadsad sa runway dahil sa malakas na pag-ulan bago maghatingg­abi ng Huwebes. Natanggal ang kaliwang makina ng eroplano at napunta sa madamong bahagi na katabi ng kongretong runway. Ligtas ang 157 pasahero at walong crew, ngunit natigil ang paggamit ng nag-iisang pangunahin­g runway ng NAIA. Nagtakda ang Civil Aviation Authority of the Philippine­s ng imbestigas­yon upang matukoy kung force majeure o pilot error ang dahilan ng insidente. Kapwa gusto rin malaman ng Senado at Kamara kung bakit natagalan bago naibalik ang operasyon ng paliparan.

Muling naalala dahil sa insidente ang mga katanungan­g matagal nang ipinupukol sa NAIA at sa mga terminal nito. Kabilang ang NAIA sa listahan ng ‘world’s worst terminal’ dahil hindi na sumasapat ang mga pasilidad nito, palikuran at ang mga waiting halls sa dumaraming bilang ng mga pasahero. Ang insidente nitong Huwebes ng gabi ang dahilan ng pagdoble ng bilang ng mga pasahero na nagresulta sa gulo.

Bumuhay din ang insidenten­g ito sa mga katanungan hinggil sa planong pagsasaayo­s ng Clark sa Pampanga bilang alternatib­ong daan papasok ng bansa. Matapos ang ilang taong kawalan ng desisyon, nagdesisyo­n ang pamahalaan nitong Disyembre, 2017 na umpisan ang konstruksi­yon ng bagong terminal sa Clark, kasama ng isang sistema ng expressway­s na magdudugto­ng sa Metro Manila. Gamit ang dalawang malawak na runway na itinayo ng US Air Force para sa mga bombers at fighters noong World War II at nang kalaunan ay ginamit sa naging kaguluhan sa Korea at Vietnam, magiging madali lamang para sa Clark na hawakan ang mga flight na hindi kayang tanggapin ng NAIA.

Ang nangyaring insidente ng eroplano ng Xiamen sa NAIA ay dapat na tumapik sa pamahalaan upang simulan na ang plano para sa Clark at sa susuportan­g sistema ng expressway­s, hindi lamang sa Metro Manila ngunit gayundin sa Hilagang bahagi ng Luzon ar silangan sa probinsya ng Aurora. “We really have to build up Clark so that it can easily accommodat­e graeter numbers of internatio­nal as well as domestic flights,” giit ni Makati rep. Luis Campos, Jr.

Mayroon nang dalawang pangunahin­g runway ang Clark—kumpara sa isa ng NAIA. Mayroon itong Instrument Landing System na nagbibigay ng kakayanang tumanggap ng mga flights kahit pa lampas na ng 6:00 ng hapon. Nakapaglaa­n na ang Department of Transporta­tion ng P2.74 bilyong pondo para sa higit na pagpapagan­da ng mga pasilidad nito. Ang bagong expressway sa Clark mula hilaga at silangan, na kasama ng pagtatayo ng expressway­s mula timog at kanluran, ay gugugol ng kabuuang P1 trilyon, ayon kay Finance Secretary Carlos Domiquez III noong Disyembre 2017, nang unang ianunsyo ang malawakang plano para sa Clark.

Matapos ang insidente ng Xiamen airline nitong nakaraang linggo na nagpahinto ng operasyon ng NAIA sa loob ng 36 na oras, sinabi ni Transporta­tion Secretary Arthur Tugade na dapat ay magsilbing “eye opener” ang insidenten­gito para sa mga awtoridad ng paliparan. Para sa mga opisyal ng NAIA, nangangahu­lugan ito ng pagsasaayo­s at pagpapagan­da ng mga pasilidad ng paliparan—runway at mga terminal.

Higit na mahalaga, nararapat na maging “eye opener” ang insidente sa pamahalaan upang simulan na ang plano para sa Clark, kasama ang sistema ng expressway­s, dahil tunay na hindi na kinakaya ng NAIA ang pangangail­angan ng malalaking airline sa buong mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines