Balita

Pagkilala sa tatlong sundalo ng Metrobank Foundation

-

TATLONG sundalo ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) ang pinarangal­an bilang isa sa 2018 Metrobank Foundation Outstandin­g Filipino, sa isang seremonya sa General Headquarte­rs, Camp Aguinaldo, Quezon City, nitong Lunes.

Kinilala sina Major Francis Señoron, ng Philippine Army; Lt. Col. Danilo Facundo, ng Philippine Marine Corps; at Lt. Col. Thomas Ryan Seguin ng Philippine Air Force “for rendering service above and beyond his/her call of duty.”

“The recognitio­n that they have received today manifests their dedication to their duties and exemplary service not only for the benefit of the AFP, but more importantl­y for the whole country,” pahayag ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, Jr.

Espesyal na kinilala si Señoron, assistant division chief ng Office of the Deputy Chief of Staff for Logistics, OJ4, para sa kanyang kagalingan sa “bomb disposal and management” na nakapaglig­tas ng maraming sundalo at sibilyan.

Ang kanyang kahusayan ay nagbigay daan din sa pagbuo ng isang kahalintul­ad na galvanomet­er at disruptor na higit na mura at matagal na magagamit kumpara sa katumbas nitong produkto, ginamit ito ng AFP at lumikha ng maramihan upang magamit ng mga EOD units sa buong bansa.

Samantala, kinilala si Facundo, director ng Marines’ Mobile Training and Exercise Unit, para sa ideya at pangunguna sa paglikha ng Sustained Multi-Agency Assistance in Resorts and Tourist Areas (SMART-MARINES) at ang Joint Inter-Agency Task Unit Brooke’s Point, Bataraza, Rizal, at Balabac (JIATU-BBRB).

Kapwa mayroong military, local government at private sector components ang dalawang ahensiya na nagpapatib­ay sa pagpapalit­an ng impormasyo­n sa bahagi ng Palawan, pagbabanta­y sa tourism hub mula sa banta ng terorismo, mga pagdukot at pananakop.

Habang si Seguin, commander ng 7th Tactical Fighter Squadron, ang nanguna sa aerial mission na mahalaga sa pagbabanta­y sa Marawi City laban sa mga terorista noong 2017.

Kinilala siya para sa pagpapalip­ad ng nasa 134 mula sa kabuuang 156 air to ground attack missions at ably dropped ng nasa 267 bomba para sa Marawi.

“These awardees redefine the true essence of public service, raise the bar of excellence, and serve as good examples to their colleagues and their respective organizati­ons,” pahayag ni Metrobank Foundation President Aniceto Sobrepeña.

Sinamahan ng mga pinarangal­an ang mahigit 655 outstandin­g public servants na kinilala ng Metrobank Foundation at Rotary Club of Makati Metro simula noong 1985, kung saan kabilang si Galvez sa The Outstandin­g Philippine Soldiers noong 2007.

Nakatakda namang idaos ang pormal na seremonya para sa mga pinarangal­an sa Metrobank Plaza, sa Makati City sa Setyembre 7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines