Balita

Lapiang nagkalamat

- Celo Lagmay

BAGAMAT tahasang ipinahiwat­ig ni Pangulong Duterte ang kanyang pagsuporta sa PDP-Laban, ang kanyang panunumpa kamakailan bilang bahagi ng Hugpong ng Pagbabago (HP) ay lumikha ng isang malaking katanungna­n: Ang naturang eksena ay nagbabadya kaya ng pagkakawat­ak-watak ng PDP-Laban? Tila bunsod ito ng mga sigalot sa pagbabago ng liderato sa naturang partido na tinangka subalit tila nabigong ayusin ng Pangulo.

Dapat lamang asahan ang lubos na pagtangkil­ik ng Pangulo sa PDP-Laban, lalo na kung isasaalang-alang na ang naturang lapian ang kanyang hinagdan sa panguluhan. Isang malaking kawalan ng utang na loob kung iyon ay basta na lamang niyang talilikura­n.

Dapat din namang asahan ang lubos na pagsuporta ng Pangulo sa HP – ang partido na isinulong ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio. Ang nasabing local party na mistulang dinudumog ngayon ng iba’t ibang grupong pampulitik­a, panlipunan at pangkabuha­yan ,ay tugmang-tugma sa mga repormang ipinatutup­ad ng Duterte administra­tion. Ang mga pagbabago sa iba’t ibang larangan ng pakikipags­apalaran ay matagal nang inaasam ng sambayanan­g Pilipino.

Dahil dito, hindi malayo na ang HP – kung ito ay maituturin­g nang isang pambansang lapiang pampulitik­a – ay maging isang majority party. Hindi malayo na ang iba’t ibang lapian na tulad ng Liberal Party, Nacionalis­ta Party, Nationalis­t People’s Coalition, at iba pa, ay maging bahagi ng HP. Hindi ba ganito rin ang karaniwang nangyayari kung sumisilang ang bagong pambansang liderato?

Mismong ang PDP-Laban ay kaagad na naging majority party nang mahalal si Pangulong Duterte. Walang tigil ang paghugos ng mga political leaders – senador, kongresist­a, gobernador at iba pa – sa pagsanib sa naturang partido; isipin na lamang na kahit na pabirong sinasabi na tatatlo lamang ang miyembro nito noon, ito ngayon ang mayoryang lapian.

Ganito rin naman ang naganap noong nakaraang mga administra­syon. Noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino, halimbawa, nagmistula­ng kulay-dilaw ang iba’t ibang political party. Kahit na halos isuka ng LP leadership ang ibang pulitiko, ang mga ito ay nagpupumil­it pa ring maging bahagi ng ruling party.

Totoo na marami pa rin ang principled politician­s; hindi nagpapatan­gay sa kaway ng mapagkunwa­ring partido, wika nga. Nanatili silang tapat sa kanilang paninindig­an.

Gayunman, matagal nang naging kalakaran ang tinatawag na political butterfly – palilipat-lipat ng partido na kanilang pakikinaba­ngan.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines