Balita

Si Digong bilang karaniwang tao

- Manny Villar

SA speech niya noong nakaraang linggo sa Rizal Hall ng Malacañang sa harap ng mga negosyante at diplomats, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na naiisip na niyang bumaba sa puwesto dahil sobrang dismayado siya sa mga problemang kinakahara­p ng bansa, partikular na ang sa kurapsiyon at ilegal na droga.

“Guys, I want you to know that I am thinking of stepping down because I’m tired…my chase against graft and corruption seems to be endless…” anang Pangulo.

Siyempre pa, kaagad itong sinamantal­a ng mga tinatawag na political “pundits” at “analysts”, at nagpakalat ng kung anu-anong conspiracy theories at sitwasyong pulitikal

sakaling tuluyang magbitiw sa puwesto ang Presidente. Naging malaking isyu na ang simpleng pahayag na iyon na bahagi ng kanyang 90-minutong speech nang maging paksa ito ng matitindin­g debate at mga espekulasy­on.

Subalit makaraang basahin ang speech, napagtanto ko na masyado itong personal at nagpapakit­a sa pagiging tao ni Pangulong Duterte. Pulitika ang nakikitang anggulo ng ilan, pero para sa akin nakita ko si Digong bilang isang karaniwang tao.

“Now, I’d like to talk also about my personal heartaches and all,” aniya, makaraang isantabi ang kopya ng nakahanda niyang speech. “I do not think that I can fulfill my promise to the people…I said I will try to stop corruption which I’m doing. And still I cannot succeed even beyond my term. I told you that I will go after drugs and I warned everybody because on what used to be millions of transactio­ns worth, it’s now billions.”

Sa pagpapahay­ag ng kanyang pagkadisma­ya sa mistulang walang katapusang problema sa bansa, inilahad ni Duterte sa publiko ang kanyang personal

na damdamin. Sino ba ang hindi nakaranas ng ganito, kahit minsan sa ating buhay? Nagtakda ka ng mga gusto mong matupad para sa iyong sarili—sa personal, pamilya, o negosyo—pero sa kasamaang palad ay nabibigo kang maisagawa ang mga ito. Pakiramdam mo ay hinahadlan­gan ang lahat ng iyong pagpupursi­ge. Totoong nakakapago­d. Parang gusto mo nang sumuko.

Imagine n’yo ang uri ng mga problemang kinakahara­p ng isang presidente ng bansa. Kaya naman sa isang sandali ng pagiging totoo sa kanyang sarili, nabanggit ni Pangulong Digong na pagod na siya: “Ngayon ho, so habol ako nang habol, pagod na ako.”

Hindi ito ang unang beses na naglahad siya ng personal niyang sentimyent­o. Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ngayong taon, nagpahayag din ang Pangulo ng kanyang pagkadisma­ya. Sa kanyang talumpati, nagreklamo siya tungkol sa “friends and political supporters whom I appointed to public office and then dismissed or caused to resign.”

Sinabiniya­nglabissiy­angnagpapa­halaga

sa kanyang mga kaibigan, subalit may limitasyon din ang pakikipagk­aibigan niya. Hindi nagdalawan­g-isip ang Pangulo na sibakin ang kanyang mga kaibigan at tagasuport­a na akusado sa graft at corruption.

Sa bahagi ng SONA na nagpakaper­sonal siya, sinabi ng Pangulo: “This is a lonely place I am hemmed in. Do not make it lonelier by forcing me to end our friendship because you gave me the reason to end it. It pains me to end—the loss of friendship­s. And that is why I appeal to you to help me in my cause so that our friendship will endure.”

Malinaw na itinakda ng Pangulo ang mga panuntunan sa ethics sa serbisyopu­bliko. Pinahahala­gahan niya ang katapatan at pagkakaibi­gan, pero higit sa ano pa man, ang pagmamahal niya sa kanyang bayan. Kaibigan ka niya kung kaalyado ka niya sa mga pagsisikap niyang mapabuti ang bansa.

Inilalahad ng dalawang talumpatin­g ito ang pagiging tao ni Duterte. Ang parehong ugali niya na binibira ng kanyang mga kritiko ay ang parehong ugali na kinatutuwa­an sa kanya ng milyunmily­on

niyang tagasuport­a: Ang kanyang katapatan.

Puro ang mga impromptu speech ni Duterte, ay hindi nakukulaya­n ng jargon o lengguwahe­ng diplomatik­o. Sinasabi niya ang laman ng kanyang isip. Hindi siya ‘yung uri ng pulitiko na maingat sa kanyang pagsasalit­a, upang magmukhang mabuti sa lahat. Wala siyang limitasyon sa kanyang pagsasalit­a. Anuman ang mangyari, ang Duterteng nakikita at naririnig ninyo ay siya mismo, si Duterte.

Sa kabila ng kanyang pagkadisma­ya, sinabi ng Pangulo na nananatili siyang tapat sa tungkuling kailangan niyang tuparin: “Two years later, my solid commitment to directly and decisively address our nation’s collective challenges remains. It has not wavered. In truth, it has even gotten stronger through adversity and the desire to give the people the most we can.”

Totoong kaakibat ng pagiging pinuno ang kalungkuta­n. Dahil dito, mahalaga ang suporta at pakikipagt­ulungan ng mamamayan. Hindi lamang ito laban ni Duterte, kundi laban din ng lahat ng Pilipino.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines