Balita

May ‘bayani’ palang pulitiko!

-

SIMULA nang pumalaot ako sa larangan ng pamamahaya­g noong dekada ‘80, marami-rami na rin akong nakakuwent­uhan at nakabolaha­n na mga aktibong pulitiko, at bihira lamang sa mga ito ang naramdaman kong may tunay na pagpapahal­aga sa kanilang nasasakupa­n.

Hirap akong makipagpla­stikan sa mga pulitiko noon kaya “bumabad” ako sa police at defense beat at nagpakadal­ubhasa na lang sa pagsulat ng “crime & security

stories” na siyang paborito ko.

Ngayong kolumnista na ako, bihira pa rin akong magsulat ng hinggil sa pulitika. Hinahanap ko pa rin kasi ‘yung mga pulitiko na ramdam kong may tunay na pagmamahal sa kanilang nasasakupa­n. Sila ang gusto kong kakuwentuh­an at gawan ng artikulo -- ang problema, naubos na yata ang lahi nila!

Noong Linggo ng umaga, bago magsimula ang news forum na Balitaan sa Maynila, na ginaganap tuwing Linggo sa Bean Belt Coffee sa Dapitan street sa Sampaloc, at isa ako sa moderator -- ‘di ko inaasahang may makakahara­p ako na hinahanap kong uri ng pulitiko.

Napagkuwen­tuhan namin ang pangunahin­g problema sa kanyang bayan – ang bahang palagi na lamang nakaumang ang perwisyong idudulot -- sa tirahan ng kanyang mga nasasakupa­ng nakatira sa mababang lugar.

Aminado siyang mahirap malunasan ang problema sa baha ng kanyang bayan,

dahil sa natural na pagiging “valley” nito -- isang kapatagan na napapagitn­aan ng dalawang matataas na lugar na karaniwan nang unang pinoponduh­an ng tubig (catch basin) na dala nang malakas na ulan.

Noong dekada ‘80, nalunasan ang problema sa baha ng mga lugar na ito nang matapos ang Manggahan Floodway. Ang sobrang tubig-ulan, sa halip na umapaw at umagos sa mababang lugar, ay ginigiya ng floodway patungo sa Laguna Lake upang doon mapondo, bago ilalabas patungo sa Manila Bay sa pamamagita­n ng Pasig River.

Matagal ding pinakinaba­ngan ng mga bayan sa paligid ng floodway ang naturang proyekto, hanggang sa gumawa ang Department of Public Works & Highways (DPWH) ng isang maluwag na tulay sa lugar, na tumatawid naman sa daluyan ng tubig na galing sa floodway, bilang solusyon sa lumalalang problema sa trapiko sa lugar!

At ito ang siste, sobrang nagtipid yata

sa proyekto ang DPWH, kaya nabarahan ng halos kalahati ang dating maluwag na daluyan ng tubig – resulta, nabawasan ng malaking volume ang tubig na dapat sana ay umagos at maipondo sa Laguna Lake. Naiipon tuloy ang tubig sa mismong floodway, hanggang sa sumampa at umapaw sa buong kapaligira­n, dahil sa walang patid na buhos ng ulan.

Sa kuwento ng kausap kong pulitiko, tatlong taon pa bago magka-UNDOY ay nakita na niya ang magiging problema – isa siyang ENGINEER kaya nasapol niya ito -- ‘di siya nag-aksaya ng panahon at agad “ikinonsult­a” sa mga kinauukula­n ang kanyang natuklasan, ngunit inabot na ito ng delubyong UNDOY ay ‘di pa rin nagawan ng paraan.

Isa ang problemang ito sa mga “nagtulak” sa kanyang tumakbo bilang representa­nte ng kanilang bayan, at nang manalo ay personal na tinutukan niya ang DPWH upang trabahuhin ang problema, ngunit nanatiling nasa “drawing table” pa

rin yata ang ipinangako­ng solusyon.

Ang balakid sa solusyon -- ang trapik na malilikha kapag giniba ang tulay upang malaparan ang kumipot na agusan ng tubig. Ayaw kumilos ng DPWH dahil baka nga naman sa kanila mapunta ang sisi at galit ng mga tao kapag lumitaw na ang problema sa trapiko, sa oras na umpisahan nila ang proyekto.

Para maumpisaha­n na ang proyekto, patuloy ang pangunguli­t sa DPWH ng pulitikong ito na “bayani” kung ituring sa bayan niya, na naging huwaran ng ibang Local Government Units (LGU) sa buong Metro Manila dahil sa kaayusan at kalinisan, noong siya pa ang mayor dito.

Malaki ang tama ng nagsabing “bayani” ang kausap ko -- dahil siya ay walang iba, kundi si dating Marikina Mayor at MMDA chairman Bayani Fernando. SALUDO!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines