Balita

Mikee at Kate, mag-BFF na laging nagtataray­an

- Nora V. Calderon

UNANG nagkasama sa Encantadia sina Mikee Quintos at Kate Valdez. Sa simula ay magkaaway ang characters nila pero bago natapos ang fantaserye ay nagtutulun­gan na sila.

Simula noon ay naging best friends forever (BFF) na sila, kahit pa nga lagi silang magkaaway sa mga sumunod nilang guestings at projects sa GMA 7.

Pero ngayon, sa Onanay, ay hindi nila alam na magkapatid sila. Hindi kasi lumaki si Rosemarie/Natalie (Kate) sa piling ng tunay nilang ina na si Onay (Jo Berry). Si Maila (Mikee) ang lumaki sa ina, pero hindi siya matanggap ni Onay, dahil bunga siya ng rape. Si Natalie naman ay dinala sa abroad ni Helena (Cherie Gil),

biyenan ni Onay, hanggang sa bumalik sa Pilipinas.

Sa unang pagkikita ng dalawa ay pareho na silang teenagers. Hindi nila alam na magkapatid sila, pero dahil tinulungan ni Maila si Natalie minsang may gustong bumastos dito ay naging magkaibiga­n na sila. Wala rin kasing alam si Maila na si Natalie ay ang kapatid niyang si Rosemarie, na matagal nang hinihintay ng kanilang ina.

“Friendship goals po kami ni Natalie sa story, dahil hindi nga namin alam kung sino kami,” kuwento ni Mikee. “Hindi po namin alam kung ano ang mangyayari sa friendship namin kapag nalaman na namin ang totoo.”

“Ako po ang mataray dito,” natatawang wika ni Kate. “Pero BFF kami simula nang magkakilal­a kami. Sa eksena lang po ‘yung katarayan ko, kapag nalaman na namin na iisa pala ang ina namin, ang babaeng hindi ko matanggap na aming ina.”

In real life, malapit nang mag-debut si Kate, kaya tiyak na may participat­ion si Mikee sa magaganap na party ng kanyang BFF.

Samantala, thankful ang buong cast ng Onanay dahil patuloy na mataas ang rating ng serye, na kabilang sa mga gabi-gabing inaabangan ang confrontat­ion scene nina Cherie at ni Nora Aunor, na gumaganap na magbiyenan. Napapanood ang Onanay gabi-gabi, pagkatapos ng Victor Magtanggol.

 ??  ?? Mikee at Kate
Mikee at Kate

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines