Balita

Winona at Keanu, dudang tunay silang ikinasal sa pelikula

-

KUMBINSIDO sina Winona Ryder at Keanu Reeves na sila ay “married in real life” dahil isang tunay na paring Romanian ang nagsagawa ng seremonya ng kasal ng kanilang mga karakter sa 1992 film na Dracula.

Pinaarte ni Director Francis Ford Coppola ang mga bituin bilang magkasinta­han sa kanyang adaptation ng gothic novel ni Bram Stoker 26 na taon na ang nakalipas, at isang lokal na pari ang nagkasal sa karakter ng mga ito na sina Mina Murray at Jonathan Harker.

Kahit na ang mga sumpang kanilang binigkas ay para lamang sa camera, nagdududa si Winona na lehitimo ang mismong seremonya.

“We actually got married in Dracula. No, I swear to god I think we’re married in real life,” sinabi ng Stranger Things actress sa Entertainm­ent Weekly sa joint interview nila ni Keanu.

“In that scene, Francis used a real Romanian priest,” pagbabalik­tanaw niya. “We shot the master and he did the whole thing. So I think we’re married.”

“We said yes?” tanong ni Keanu, habang kinumpirma ni Winona na ang vow exchange nila ay kinunan sa Valentine’s Day (Pebrero 14).

“Oh my gosh, we’re married!” bulalas niya.

Kakatawa na lumutang ang rebelasyon habang ipinopromo­te ng dating magkatraba­ho ang kanilang upcoming film na Destinatio­n Wedding, isang romantic drama kung saan gumaganap silang miserable guests sa kasal ng kanilang mutual friend at doon nagkagustu­han.

Sa tunay na buhay, si Winona, 46, ay legally married, ngunit karelasyon niya si Scott Hahn simula pa noong 2011.

Si Keanu naman, na tutuntong sa edad na 54 sa susunod na buwan, ay hindi pa ikinakasal sa tunay na buhay.

Nakatakdan­g ilabas ang pelikula sa Amerika sa Agosto 24, ulat ng Cover Media.

 ??  ?? Winona at Keanu
Winona at Keanu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines