Balita

Dormitorio, sadsad sa podium

-

SUBANG, Indonesia – Tinamaan ng lintik ang kampanya ng cycling team nang naakidente si Ariana Thea Patrice Dormitorio sa ikalawang ikot ng five-lap race ng women cross-country nitong Martes sa 18th Asian Games.

Nangunguna si Dormitorio sa 12-man rider field, ngunit aksidenten­g nabalahaw ang bisikleta at masadsad sa kaagahan ng laban. Nagtamo siya ng gasgas at injury sa hita, ngunit kaagad namang nalapatan ng lunas sa Medical Tent.

“I’m somehow disappoint­ed,” pahayag ni Dormitorio, liyamado sa karera bilang may pinakamata­as na UCI ranking (No. 100).

“Luck was not with me today.”

Ratsada si Dormitorio, 22, sa unang lap at sinusundan ng dalawang Chinese na sina Yao Bianwa at Li Hongfeng— ang nakakuha ng gold at silver medal.

Sa pagpasok sa Lap 2 ng 4.5-km circuit, nadiskaril ang diskarte ni Dormitoryo na ayon kay PhilCyclin­g MTB Director Oscar “Boying” Rodriguez ay isang aspeto ng technical.

Hindi natantya ni Dormitorio ang kurbadong ruta na nagdulot nang kanyang pagbulusoj­k. Ayon sa medical team, nagtamo siya ng quad muscles sprained.

Sa pagkawala ng Pinay, matikas na somolo si Yao, 22, isang Asiad rookie cyclist, tungo sa panalo sa tyempong isang oras, 20 minuto at pitong segundo. Tumapos si Li na apat na minutong mas mabagal habang nakuha ni Thailand’s Natalie Panyawan (1:26:11) ang bronze.

Inamin ni Yao na ang pagkawala ni Dormitoryo ang naging daan sa kanyang tagumpay.

“The Philippine rider was strong and I am lucky to win,” aniya.

 ??  ??
 ?? PSC PHOTO ?? BUONG lakas na binuhat ni Elien Rose Perez ang bigat na 48kg. sa kanyang ratsada sa weightlift­ing women’ class, habang masayang nag-groupie ang men’s at women’s poomase team matapos magwagi ng bronze medal sa 18th Asian Games sa Jakarta at Palembang.
PSC PHOTO BUONG lakas na binuhat ni Elien Rose Perez ang bigat na 48kg. sa kanyang ratsada sa weightlift­ing women’ class, habang masayang nag-groupie ang men’s at women’s poomase team matapos magwagi ng bronze medal sa 18th Asian Games sa Jakarta at Palembang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines