Balita

‘Miss Granny’ hahataw sa takilya

- Ni REGGEE BONOAN

NAPANOOD namin ang Miss Granny sa premiere night noong Lunes sa Trinoma Cinema 7, na dinaluhan ng buong cast ng pelikula, sa pangunguna nina Sarah Geronimo at Ms Nova Villa, na talagang napaiyak pagkatapos mapanood ang kabuuan ng pelikula.

Hiningan ng komento si Ms Nova pagkatapos mapanood ang Miss Granny.

“Teka lang naiiyak pa ako, hindi pa ako makapagsal­ita. Naiiyak ako kasi ang ganda-ganda ng pelikula, sobra,” sabi ni Ms Nova.

Oo naman, Ateng Jet, ang ganda ng Miss Granny! Hindi ito kayang pataubin ng foreign films, na kasabay nitong magbubukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules.

Ang Miss Granny ay hango sa Korean movie na blockbuste­r noong 2014, na maganda raw, sabi rin ng mga nakapanood.

Pero iba rin ang atake ni Binibining Joyce Bernal bilang direktor sa Pinoy version ng Miss Granny, na produced ng Viva Films, sa pangunguna nina Sarah, Ms Nova, Xian Lim, at James Reid. Kabilang din sa cast sina Buboy Garovillo, Marissa Delgado, Lotlot de Leon, Ataska Mercado, Danita Paner, Nonie Buencamino, Kim Molina at iba pa.

Ang galing-galing ng mga artistang nabanggit sa mga karakter na ginampanan nila dahil talagang markado at may kanyakanya­ng highlight.

Equal exposure sina Sarah at Ms Nova at ngayon lang din namin napansin na may pagkakahaw­ig ang personalid­ad nila.

Si Sarah kasi natural na komedyana at taklesa on and off cam, at gayundin si Ms Nova na kapag kakuwentuh­an mo ay may mga banat siyang nakakatawa at kapag seryosohan naman ay sobrang seryoso siya. Kaya saktong sila ang dalawang Miss Granny sa pelikula ni Joyce Bernal.

At nakadagdag siyempre ang mga awiting Kiss Me Kiss Me na pinasikat ni Efren Montes noong 1971 at iba pang lumang kanta na binigyan ng magandang version ni Sarah na bumagay din sa retro look niya bilang si Miss Granny.

Sulit ang hirap sa shooting ng Miss Granny na ilang beses nahihinto dahil may kanya-kanyang ganap ang cast.

Advance na pagbati ng congratula­tions sa Team Granny, Viva Films at siyempre sa isa sa paborito naming direktor na si Binibining Joyce Bernal. Grabe ka talaga, direk, ikaw na ikaw ang pelikula, pati mga linya, feeling namin ikaw ang sumulat ng script, eh!

 ??  ?? Sarah
Sarah

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines