Balita

The Eagles hawak na ang No. 1 album of all-time

-

NAG-MOONWALK ang greatest hits album ng The Eagles para malagpasan ang Thriller ni Michael Jackson at maging history’s best-selling album of all-time sa U.S.

Sinabi ng Recording Industry Associatio­n of America sa Associated Press nitong Lunes na ang album ng Eagles na Their Greatest Hits

1971-1975 ay certified 38x platinum na ngayon, nangangahu­lugan na ang sales at streams ng album ay umabot na sa 38 milyong kopya.

Inilabas ang album noong 1976 at itinulak ang Thriller ni Michael Jackson, na 33x platinum, sa second place.

Sinabi ri ng RIAA na ang Hotel California ng Eagles, inilabas noong 1977, ay 26x platinum na ngayon at third best-selling album of all-time.

Ang huling panahon na binilang ng RIAA tallied ang sales para sa greatest hits album ng Eagles ay noong 2006, nang sabihin nito na ito ay 29x platinum na. Ang sales at streams para sa Thriller ay huling in-update nitong nakaraang taon.

“We are grateful for our families, our management, our crew, the people at radio and, most of all, the loyal fans who have stuck with us through the ups and downs of 46 years. It’s been quite a ride,” sinabi ni Don Henley sa isang pahayag.

Ang Eagles, nabuo sa Los Angeles noong early 1970s, ay na-master ang mix of rock ‘n’ roll and country music, at ang mga pinasikat na awitin ng banda – kabilang ang Hotel California at Take It Easy — ay naging bahagi ng soundtrack ng dekada. Naghiwa-hiwalay sila noong 1980, ay muling nabuo makalipas ang 14 taon at sina Henley at Glenn Frey na lamang ang nalalabing original members. Namatay si Glenn noong 2016, ngunit nagpatuloy sa pag-tour ng Grammy-winning band.

Iniluklok ang banda sa Rock & Roll Hall of Fame noong 1998 at tumanggap ng Kennedy Center Honor noong 2016.

 ??  ?? The Eagles
The Eagles

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines