Idris Elba sa midlife crisis: I’m digging deeper into my fears
HINDI tumitigil ang aktor at DJ na si Idris Elba sa pagsisikap na harapin ang kanyang mga kinatatakutan bilang bahagi ng tinatawag na midlife crisis, ayon sa Cover Media.
Ipagdiriwang ng cast member ng
Thor ang kanyang 46th birthday sa susunod na buwan, ngunit sa halip na maghinay-hinay na sa showbusiness, mas abala ngayon ang Brit, pinagsasabay ang film at TV projects sa DJ gigs around the world, gayundin ang paglulunsad ng kanyang sariling record label, at pagdidisenyo ng mga damit para sa top streetwear brand na Superdry.
Ginagalugad din niya ang kanyang daredevil side para sa iba’t ibang small screen documentaries, kabilang ang Idris Elba series para Discovery Network noong 2017:
Fight, na sinusubaybayan ang pagsisikap ng isang binata na maging professional kickboxer sa loob lamang ng 12 buwan.
Inamin ni Idris na palagi niyang tinatanggap ang mga bagong hamon dahil ayaw niyang tumanda at pagsisihan na hindi niya ginawa ng mga gusto niyang gawin sa buhay habang siya ay malakas at malusog pa.
“There comes a time when you get to 40, 45, where you’re like, ‘Oh s**t, I’m losing my youth, I’m facing 50,’” aniya sa The Observer Magazine. “You’re on this cusp and it’s not like you can make new experiences so much, because you’ve probably covered it all.
“So part of this journey of digging deeper into my fears is the idea that I’m getting older. I’m probably annoying to people, going, ‘F**king hell, he never sits still.’ But we all die, we’ve got plenty of time to sit still.”
Bukod sa lahat ng kanyang professional endeavors, naghahanda rin si Idris para magpakasal sa ikatlong pagkakataon, matapos magpropose sa kanyang girlfriend na si Sabrina Dhowre sa London screening ng kanyang directorial debut na Yardie noong Pebrero.
Ikinagulat ng fans ang romantic gesture, dahil dati na niyang iginiit na hindi na siya interesado sa kasal matapos ang dalawang diborsiyo.
“I fell in love. That’s it...,” aniya tungkol sa pagbabago ng kanyang puso. “I just feel in love and want to be with that person for the rest of my life.”