Balita

Ikalimang labas

- R.V. VILLANUEVA

TOTOO ang sabi ni Fermin na kumita ito ng malaki. Pero hindi naman masasabing napakalaki. Tinupad din nito ang pangakong kakain sa labas. Sila ngang lahat. Kaysaya sila! Panay ang tukso ng mga kapatid ni Fermin. Ano daw bang mina ang talagang nahukay ni Fermin? mina ba ng ginto o langis?

Gayunman, kahit na anong gawing pagtatanon­g kay Fermin, tawa lang ang sagot nito. Dakong huli, sinabi ni Fermin ng tanungin ito ng kanyang ina: “Pwede ho kaya sa amin na muna ni Nena ang sikretong ito? Malalaman din naman ninyo, p’wede ho kayang sa amin na muna ni Nena ang sikretong ito? Malalaman din naman ninyo, pwede ho bang hindi?”

Hindi kumikibo si Nena. Pero ibig na niyang mainis. Ano kayang kalokohan ang sasabihin talaga ng Ferming ire at pati siya ay gustong himatayin sa pananabik. Kanina pang dumating si Fermin, hindi naman talaga siya tumigil ng katatanong pero panay tawa lang ang sagot ng lokong Fermin.

Nakahiga na silang magasawa.

“Gusto mo nang malaman kung ano ang malaking suwerte ko? Nating dalawa pala?” Mukhang kaswal namang sabi ni Fermin.

“Huwag na lang kaya.” Hindi itinago ni Nena ang inis.

“Kung hindi ka talaga interesado, di h’wag na nga lang.” Kaswal pa rin ang boses ng kanyang asawa.

Hindi na kumibo si Fermin. At tumalikod pa ng higa. Sinasadya talaga siyang inisin. Katulad ng dati, ganitong bagong dating ang asawa, tiyak siyang aasikasuhi­n. Bago ito magkuwento ng anumang bagay, uunahin nito ang pagtatanim sa punlaan niyang lagi namang nakahanda.

Pero hindi komo’t masipag si Fermin at siya naman ay laging nakahanda ay gusto na nilang magbunga ang pagiibigan nila. Hindi pa muna.

Ang talagang ibig nila, bago sila magkaanak, makaalis muna sila sa pakikisuno sa kanilang mga magulang.

Bumangon si Nena. Umupo siya sa gild ng kama (papag na kahoy). Pinagmasda­n ang parang natutulog na si Fermin. (Buhay ang mahinang boltahe ng ilaw. Kung may gagawin sila, pinapatay iyon ni Fermin. May nakalawit na pisi sa mismong tapat ng higaan nila konektado sa socket ng bumbilya ng ilaw. Isang hatak lang sa pisi, ganap na ang dilim sa kabuuan ng maliit nilang kuwarto). Hindi sila natutulog ng buhay ang ilaw. Alam niya, nagtutulog-tulugan lang si Fermin.

Tulad ng nakagawian, nakapanjam­ang manipis si Fermin. Tulad din ng nakagawian, pajama lang talaga.

Kasunod nito’y pinatay na nila ang ilaw.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines