Balita

Momoland sa opening ng UAAP Season 81

- Ni JONATHAN HICAP

“IT’S kind of unreal that we are topping the charts. We’re thankful Filipino fans love K-pop in general.”

Naging matagumpay ang kanta ng K-pop girl group na Momoland, ang Bboom Bboom, nang mag-viral ito dahil sa nakaaadik nitong choreograp­hy.

Sa K-pop industry, kung saan sobrang igting ng kumpetisyo­n sa mga kapwa grupo, ito ang unang pagkakatao­n na sumikat at umangat ang Momoland mula nang kanilang debut noong Nobyembre 2016.

Sa kanilang unang pagbisita sa bansa para sa isang eksklusibo at pribadong event, tinalakay ng mga miyembro ng Momoland, na sina Nancy, Daisy, JooE, Hyebin, Ahin, Jane at Taeha ang tungkol sa kanilang mga awitin sa isang presscon na inorganisa ng Facebook at Viu noong Agosto 17.

Ibinunyag ng Facebook na mula sa 618,906 followers, as of August 14 ng official page ng Momoland, 53.4 percent (330,495) ang mula sa Pilipinas, na sinundan ng Vietnam sa 14.5 percent, at 3 percent naman sa Thailand. Ang naturang page ay mayroon nang 1.2 million followers, habang isinusulat ang balitang ito.

“We get the chance to communicat­e with fans all around the world. I think Facebook is a really good platform,” sabi ni Daisy.

Ilang Bboom Bboom dance cover ang nagkalat sa internet na gawa ng mga Pinoy, at may clips pa na makikitang sumasayaw ang ilang celebrity gaya nina Liza Soberano,

Anne Curtis at Vice Ganda, sa tune ng kanta.

“I saw a lot of covers of Bboom Bboom online. I was amazed and so touched how everyone tried to follow even the hairstyle and the uniform that we were wearing. I was really impressed. The most memorable cover that I saw came from Japan,” sabi naman ni JooE.

Mayroon nang 229 million views at 1.7 million likes sa YouTube official music video ng Bboom Bboom mula nang i-upload ito sa platform noong Enero 3, ngayong taon. Dahil din sa naturang kanta, nagwagi ang Momoland ng kanilang unang TV music show chart award sa M Countdown noong Enero 11.

Ngayong taon din, kinilala din ang Momoland bilang ang unang K-pop girl group na naparangal­an ng Platinum Certificat­ion sa streaming category ng Gaon Music Chart ng Korea, makaraang mapanood ang Bboom Bboom ng 100 million beses.

Kasunod ng tagumpay ng Bboom Bboom, naglabas ang Momoland ng album, ang Fun to the World, na naglalaman ng carrier track na Baam, na mayroon ding eye-catching choreograp­hy. Mayroon nang 77.7 million views sa YouTube ang music video mula nang i-release noong Hunyo 26.

Pag-amin naman ng lider ng grupo na si Hyebin, pressured daw silang malagpasan ang kasikatan ng Bboom

Bboom, gamit ang bago nilang kantang Baam.

“Yes we were kinda worried after Bboom Bboom because we didn’t know it would receive so much love. But then again we thought the fact that we are going to enjoy this most important thing. While we were preparing for Baam, we were telling ourselves to enjoy the moment we are doing right now,” aniya.

Interestin­g ang Baam sa mga Pinoy dahil ipinakita sa music video ng naturang kanta ang watawat ng Pilipinas at ang larawan ng jeepney na matatagpua­n lamang dito sa bansa. “Weworethet­raditional­clothingin­ourmusicvi­deoandonst­age in a music program. It’s beautiful and very comfy,” ani Nancy. Naging sikat din ang Momoland sa mga Pinoy dahil kamukha raw ni Nancy, member ng grupo, ang aktres na si Liza Soberano.

“I saw on Facebook and Twitter that a lot of fans said that I look like Liza so I searched her pictures. She was so gorgeous so I’m really honored,” lahad ni Nancy.

Samantala, hindi naman magtatagal ang paghihinta­y ng fans sa pagbabalik ng Momoland, dahil inihayag nang magtatangh­al sila sa opening ng UAAP Season 81 sa Setyembre 8 sa Mall of Asia Arena.

Inihayag ng Momoland na nagpapasal­amat sila sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa kanila.

“Thank you for so much love and interest in our team and our song,” sabi pa ni Nancy.

 ??  ??
 ??  ?? Momoland
Momoland

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines