Balita

Ibang klaseng Sarah sa ‘Miss Granny’

- Nora V. Calderon

SRO ang Cinema 17 ng Trinoma Mall sa dami ng nag-attend ng red carpet premiere night ng Miss Granny ni Sarah

Geronimo last Monday, August 20. Bago sa Trinoma, mayroon din silang red carpet premiere night sa SM Megamall.

Para kang nanonood ng live concert sa mga musical numbers ni Sarah nang ipinalabas na ang movie, at kinanta niya ang mga old songs noong kabataan pa ni Fely Malabano (Nova Villa). Ang pinakapina­lakpakan ay ang pag-awit niya ng Forbidden, sabay ang pagpatak ng luha sa left eye niya, at ang song na composed ng apo ni Fely si Jeboy (James Reid), na hindi nila nakasama sa pagkanta.

Sa story, si Ms Nova as Fely ay 70 years old na at kasama ang nag-iisang anak

(Nonie Buencamino), pero lagi silang nag-aaway ng manugang niya (Lotlot de

Leon) na nagkakasak­it dahil nai-stress sa kanya. Ang solusyon, umalis muna si Fely. Sa pag-alis ni Fely ay napadaan siya sa isang misteryoso­ng photo studio na nang magpa-picture siya ay bumata siya nang 50 years younger at nag-transform na kamukha ng paborito niyang Hollywood actress, si Audrey Hepburn kaya “Odrey” ang pakilala niya.

Pinalakpak­an din ang pagganap ni Sarah bilang si Odrey, dahil wala siyang pakialam kung ano ang mga sinasabi niya, ginagawa niya ang gusto niya, tulad din ni Fely. Hindi ba siya nahirapang gampanan ang role ni Odrey?

“Medyo po, challengin­g, pero thankful ako sa acting coach ko na tinulungan akong ipakita ko kung sino si Fely. Ang galaw niya, talaga pong pinag-aralan kong kopyahin si Tita Nova, ang facial expression­s niya, ang pagsasalit­a niya. Nag-enjoy po ako sa bago kong role, at malapit sa puso ko dahil family-oriented, tulad din ng pamilyang Pilipino,” sabi ni Sarah.

Napakahusa­y na ni Sarah sa pag-arte, lalo na iyong ipinakita siya noong araw na itinaguyod niyang mag-isa ang anak niya, at iba-ibang hirap ng pagiging young mother ang pinagdaana­n niya. At ang isa pang eksenang iiyakan ninyo ay nang malaman ni Nonie na si Odrey at ang nawawala niyang inang si Fely ay iisa. Ang tanong, babalik pa ba sa dati si Odrey/Fely? Wala na kasi ang misteyoson­g photo studio.

Basta, alam naming magiging isa na namang blockbuste­r ang Miss Granny dahil ibang-ibang Sarah Geronimo ang mapapanood. Ayon pa sa mga K-Drama addicts, kuhang-kuha ni Direk Bb. Joyce

Bernal ang story at maayos ang script ng hit Korean movie na may successful versions na rin sa iba’t ibang bansa sa Asia at Europe, at balitang gumagawa rin ang Hollywood ng kanilang version. Binabati rin namin ang glam team ni Sarah dahil naipakita nila kung sino si Fely at kung sino si Odrey. Showing na today, August 22, ang Miss

Granny in cinemas nationwide, at ngayon pa lang ay binabati na namin si Sarah at ang buong cast, kasama na si Bb. Joyce Bernal.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines