Balita

BINUKBOK NA, KAKAININPA?

- Nina MARIO B. CASAYURAN at GENALYN D. KABILING

Nagpahayag ng pangamba kahapon si Senator Francis Pangilinan kung ligtas bang kainin ang 330,000 sako ng binukbok na imported rice matapos itong i-fumigate o alisan ng insekto ng National Food Authority (NFA).

Kabilang ito sa mga katanungan­g nais ipasagot sa NFA, kasunod ng kumpirmasy­on ng kakapusan ng bigas sa Zamboanga City, na isinailali­m na sa state of calamity dahil sa problema, ayon kay Pangilinan.

“The NFA cited inclement weather as the reason for the infestatio­n. Is it another issue of lack of planning? Or did the imported rice arrive already infested? If the rice arrived in June, what are the reasons for the delay in unloading?” sabi ni Pangilinan.

“Even as we reiterate our call for the NFA administra­tion to resign, we also want to know: Who is in charge? Who will be held accountabl­e for these continuing crises?’’ dagdag niya.

Sa isang panayam ng DZRH kahapon, binanggit ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na “safe naman daw po para sa taumbayan” ang bigas na sumailalim sa fumigation.

“”Ang eksplanasy­on naman nila (NFA), eh, pupuwede namang pausukan ‘yan, mawawala ‘yung bukbok at safe naman daw po para sa taumbayan,” ani Roque.

Kasabay nito, iginiit kahapon ng Malacañang na dapat na gawin ng NFA ang mga kinakailan­gang hakbangin upang maiwasang maulit ang pagkakabuk­bok ng mga bigas na inaangkat ng bansa.

Ayon kay Roque “not a perfect excuse” ang naisip na remedy ng NFA na isailalim sa fumigation ang mga binukbok na bigas, at sinabing dapat na tiyaking hindi pinepeste ang mga inaangkat na bigas.

“Ang sinasabi nila ay dahil natagalan nga ibaba iyong mga bigas kaya nagkaroon ng bukbok, pero kinakailan­gan talaga maiwasan itong mga pagyayarin­g ito,” sinabi ni Roque sa panayam ng DZRH.

“Ang ayaw nating mangyari, nandiyan na ngayon iyong bigas, binayaran na ng taumbayan, baka hindi pa kainin ng taumbayan, kasi sasabihin nila may bukbok.” Una nang kinumpirma ng NFA na binukbok ng mga peste ang daan-daang libong sako ng inangkat na bigas sa loob ng barkong nakadaong sa Subic, Zambales. Katwiran ng ahensiya, dahil sa madalas na pag-uulan ay nabalam ang pagdidiska­rga ng mga nasabing sako ng bigas mula sa Thailand, kaya binukbok na ito sa pagkakaimb­ak.

Napaulat na isinasaila­lim na sa fumigation ang nasabing mga bigas, na nasa kustodiya pa ng mgasupplie­r,at dadalhin lang sa mga bodega ng NFA kapag nakapasa sa quarantine tests ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines