Balita

R2.8-M ayuda tinanggap ng OFWs

- Nina ROY C. MABASA at LEONEL M. ABASOLA

Sa ngayon, nasa kabuuang P2.8 milyong cash assistance ang naipagkalo­ob sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado sa pansamanta­lang pagsasara ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA), ayon sa pahayag ng foreign affairs office, nitong Biyernes.

Nitong Huwebes lamang, nasa 381 manggagawa ang nakatangga­p ng cash assistance, dahilan para umabot sa kabuuang 559 ang OFW beneficiar­ies simula Miyerkules.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang mga kukuha ng cash assistance sa NAIA terminals ay mayroon na lamang hanggang 10:00 ng gabi ngayon.

Ang mga stranded na OFWs na nasa Maynila ay mayroong hanggang Agosto 31, 2018, upang kunin ang kanilang P5,000 cash assistance sa Office of Migrant Workers Affairs ng DFA.

Samantala, ang mga nakaalis na ay maaaring kunin ang kanilang cash assistance Philippine Embassy o Consulate General hanggang Setyembre 30, 2018.

Kaugnay nito, tuloy na ang pagdinig ng mataas na kapulungan hinggil sa aberyang nangyari sa NAIA.

Nagpalabas na ng imbitasyon ang Senate Committee on Public Services, na pinamunuan ni Senator Grace Poe, at itinakda na ito sa darating na Miyerkules.

Kabilang sa mga inimbitaha­n sa pagdinig ay sina Department of Transporta­tion ( DOTr) Secretary Arthur Tugade,

Manila Internatio­nal Airport Authority General Manager

Eddie Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippine­s Director General Jim Sydiongco,

Civil Aeronautic­s Board Executive Director Carmelo Arcilla, Clark Internatio­nal Airport Corp. President and Chief Executive Officer Alexander Cauguiran, Philippine Overseas Employment Administra­tion Chief Bernard Olalia, at Philippine Amusement and Gaming Corp. Chairperso­n and Chief Executive Officer Andrea Domingo.

Sa panig naman ng pribadong sektor ipinatawag ng Senado si PAL Holdings Inc. President and Chief Operating Officer Jaime Bautista, CebGo Inc. President and Chief Executive Officer Alexander Lao, Air Asia Philippine­s Chairperso­n Marianne Hontiveros, Xiamen Airlines at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines