Balita

Holdaper nakorner

- Mary Ann Santiago

Huli ang isang constructi­on worker na itinuturon­g nangholdap sa isang Indian, gamit ang isang gun replica, sa Barangay Bambang, Pasig City, kamakalawa.

Sa report na isinumite ni Police Senior Supt. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig City Police, kay Eastern Police District (EPD) director, Police Senior Supt. Joel Bernabe Balba, kinilala ang suspek na si Andre Otiz, 37, ng 825 J. V. Villa Concio, Bgy. San Joaquin, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig Police, inaresto ang suspek habang nagtatago sa likod ng mga kangkong at mga water lily sa J.B. Miguel Street, sa Bgy. Bambang, bandang 11:30 ng umaga.

Si Otiz ang itinuturon­g nangholdap kay Lachman Singh, 31, ng Ayala Homes, Champaca St., Mandaluyon­g City.

Sakay sa motorsiklo ang biktima at naniningil ng mga pautang nang harangin ito ng suspek, sakay sa bisikleta, at nagdeklara ng holdap sa naturang lugar.

Nang makuha ang salaping nasingil ng biktima, tumakas ang suspek patungo sa Bgy. Tipas, Taguig City.

Nagpasaklo­lo si Singh sa mga tauhan ng Police Community Precinct 3 (PCP-3) at agad na rumesponde, sa pangunguna ni PO3 Ceasar Formentera, at naaresto ang suspek sa kangkungan.

Narekober sa suspek, na kakasuhan ng robbery at paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002), ang P4,340 cash money, isang pakete ng shabu, at isang replica ng Dessert Eagle Pistol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines