Balita

Davao solon magpapa-check up sa Singapore, Thailand

- Czarina Nicole O. Ong

Pinayagan ng Sandiganba­yan na makabiyahe si Davao Del Norte Rep. Antonio "Tonyboy" Floirendo, Jr. sa Singapore at Thailand upang sumailalim sa medical check up, simula Agosto 22-28.

Sa isang resolusyon ng 6th Division ng anti-graft court, pinaboran nito ang mosyon ng kongresist­a matapos itong pumayag sa inilabas nitong mga kondisyon.

Ayon sa hukuman, maaari lamang lumabas ng bansa si Floirendo, mula Agosto 22-28.

Isasailali­m si Floirendo sa medical check up ni Dr. Cheng Jun ng Cheng Jun Gastroente­rology & Medical Clinic Singapore, sa Agosto 23 at 24.

Habang nasa Singapore, pansamanta­lang manunuluya­n ang kongresist­a sa Grand Hyatt.

Pagkatapos nito sa Singapore, magtutungo naman ito sa Bangkok, Thailand para sa medical checkup nito sa TICEBA GmbH and Miskawaan Health Group, simula Agosto 25-27.

Ayon sa korte, bukod sa nasabing health care company, manananiti­li lamang si Floirendo sa Mandarin Oriental habang ito ay nasa Thailand.

Nagbigay na rin ng travel bond na P60,000 ang kongresist­a.

Si Floirendo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3(h) ng Republic Act 3019 (Anti-graft and Corrupt Practices Act) dahil sa pagkakaroo­n nito ng financial interest sa pagkakadaw­it nito sa venture agreement sa pagitan ng Bureau of Correction­s (BuCor) at Tagum Agricultur­al Developmen­t Company (TADECO) na pag-aari ng pamilya nito noong 2003.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines