Balita

Jo Berry ‘di bagay magsungit

- Nora V. Calderon

SA set ng family drama series na Onanay, love na love ng co-stars niya ang bidang si Jo Berry. Ineenjoy ni Jo ang mga ginagawa niya sa bawat eksena, at kahit mahirap para sa kanya kung minsan, nakangiti pa rin siya.

Kaya naman sobrang saya niya nang isama siya ng cast ng Onanay para sa regional show to promote their teleserye, sa Kadayawan Festival sa Davao last weekend.

Sa pagsakay pa lang nila sa airplane na naghatid sa kanila sa Davao ay nag-post na si Jo sa Instagram niya, habang napapagitn­aan ng mga gumaganap na anak niya sa serye na sina Kate Valdez as Natalie, at

Mikee Quintos as Maila.

“It is indeed an unforgetta­ble first regional mall tour for me! Ang daming nangyari, Thank you Davaoeños, happy 33rd Kadayawan Festival! Thank you po sa pagmamahal n’yo kay Onay! Ang saya niya! Thank you to my Onanay fam na nag-alaga sa akin. Thank you Ms. @nyebz (their executive producer Nieva Sabit) for trying to walk slower than usual for me lol! Make up by Mikee Quintos, hair by Kate Valdez and Hanna Banana #33rdkadaya­wansadavao #onanay #another firstforme #Davao.”

Mataas ang rating ng Onanay gabi-gabi, after ng Victor Magtanggol pero may pakiusap ang mga netizens, ayaw daw nila ng masungit na Onay, mas gusto nila si Onay na kahit nabibilang sa little people ay mapagmahal at marunong lumaban para sa kanyang pamilya. Ayaw ng netizens na laging galit si Onay, na kahit ang anak niyang si Maila ay lagi niyang sinusungit­an, at ang tanging mahal niya ay ang anak niyang si Natalie, na anak nila ng asawang si Elvin (Adrian Alandy). Si Maila kasi ay bunga ng panggagaha­sa kay Onay.

Don’t worry, mga netizens, babalik na ang totoong Onay. Mamahalin na rin niya si Maila. Pero ano kayang hirap naman ng loob ang daranasin niya kapag nakilala na siya ng tunay niyang anak na si Rosemarie, na ngayon ay Natalie na ang pangalan?

 ??  ?? Kate, Jo, at Mikee
Kate, Jo, at Mikee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines