Balita

Taylor Swift muling kinilala sa kanyang highest-earning U.S. tour

-

BINURA ni Taylor Swift ang sariling record para sa highest-grossing U.S. tour by a female artist.

Nililibot ng Look What You Made Me Do singer ang Amerika at iba pang mga bansa simula Mayo para sa kanyang epic Reputation Stadium Tour.

Sa U.S. gigs pa lamang ay kumita na siya ng nakamamang­hang $191.1 million, ayon sa Billboard.com, nangangahu­lugan na sa 11 American dates pang nalalabi sa kanyang pagtatangh­al ay nalagpasan na niya ang gross earnings ng dating record holder, ang kanyang 1989 World Tour—na kumita ng $181.5M noong 2015.

Sa panahon ng tour, may averaged earnings siya na mahigit $7M bawat show—sa lahat ng 27 ng nakumpleto niyang dates na sold out. Nagpapahin­ga ang pop princess sa tour matapos magtanghal sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida noong Agosto 19.

Matapos ang gig, pinuri niya ang hometown girl na si Camila Cabello—na sumuporta sa kanya kasama ang British singer-songwriter na si Charli XCX sa kabuuan ng tour.

“MIAMI I LOVE YOU!! You were so loud and FUN,” isinulat niya sa kanyang Tumblr page. “Shout out to Camila for killing it in her hometown and being just the greatest most precious magical human possible.”

Magpapatul­oy ang mga concert niya ngayong Sabado sa Nashville, Tennessee , ang lungsod kung saan nakilala ang dalagitang Taylor bilang isang country music star.

Bukod sa kanyang US gigs, nagtanghal na rin si Taylor sa United Kingdom, Ireland, at Canada, at ang mga huling concert niya ay kumita ng $11.1M sa kabuuan. Hindi pa pumapasok ang earnings sa concerts niya sa Britain at Ireland, at hindi tulad sa Amerika, hindi lahat ng mga nasabing show ay sold out.

Tatapusin niya ang tour sa Australia, New Zealand, at Japan, nangangahu­lugan na ang worldwide takings mula sa Reputation

Stadium Tour ay madaling mahihigita­n ang $250M na kinita ng kanyang 1989 live dates sa buong mundo—at karamihan ay malapit nang madaig ang $408M na kinita ng Sticky

& Sweet tour ni Madonna noong 2008 at 2009, ang pinakamala­king kinita sa buong mundo ng isang female artist.

 ??  ?? Taylor
Taylor

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines