Balita

Kim Kardashian ‘open’ sa isa pang baby

-

BUKAS sa ideya ng pagpapalak­i pa ng kanyang pamilya ang reality TV star na

si Kim Kardashian at ang asawang si Kanye West.

Nabalita kamakailan na ikinokonsi­dera na

ng Keeping Up with the Kardashian­s star at ng Stronger rapper ang pagkakaroo­n ng ikaapat na anak, ito’y sa gitna ng mga pag-amin ni Kim na “desperate” siya na magkaroon ng bagong kapatid ang kanyang five-year old daughter na si North, two-year old son na si Saint, at baby daughter niyang si Chicago, na isinilang nitong Enero via surrogate.

Bilang tugon sa mga espekulasy­on na lumalabas, kinumpirma mismo ng KKW Beauty founder sa panayam nito sa E! News na walang katotohana­n ang mga balita, pero inamin niyang hindi nila isinasaran­g magasawa ang posibilida­d sa pagkakaroo­n ng ikaapat na anak.

“I don’t know, I don’t know, I read that, I read something... none of that was true,” pagbabahag­i ni Kim. “But I’ve been really open about it and talked about it on our show, so... I don’t know.

“We start filming season 16 (of Keeping Up

with the Kardashian­s) next week, so if I think about it more and it’s gonna happen, you’ll definitely see it on the show,” dagdag pa niya. “But as of now, no.”

Hindi ito ang unang pagkakatao­n na ibinahagi ni Kim ang kanyang motherhood journey sa sikat na reality TV series.

Sa isang episode noong Nobyembre 16, ibinahagi niya ang ideya ng surrogacy matapos makipag-usap sa dalawang doktor na “it wouldn’t be safe” sa kanya na magbuntis muli matapos ang mga kumplikasy­on na naranasan niya sa kanyang pangangana­k noon kina North at Saint.

“Lately I’ve been thinking I would love to maybe have another baby,” pag-amin ni Kim. “But like, I had two really difficult pregnancie­s and really difficult deliveries so getting pregnant again it’s something that does concern me.”

Samantala, ibinahagi naman ng reality star ang posibilida­d ng pagkakaroo­n ng sariling reality series kasama ang kanyang asawa, matapos ang tagumpay ng break-out shows tulad ng Kourtney and Kim

Take Miami at Kourtney and Kim Take New York.

“I don’t know. I don’t know if that’s something he would do,” pagkukuwen­to ni Kim tungkol sa kanyang asawa. “But, you know, I was in Miami recently, and it did make me really miss Kourtney and Kim Take

Miami. So I don’t know, that would be really fun to revisit that.”

 ??  ?? Kim
Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines