Balita

Ikawalong labas

- R.V. VILLANUEVA

PINAG-UUSAPAN ng mag-asawang Fermin at Nena ang tungkol sa umano’y lote at bahay na planong bilhin ni Fermin.

“Teka lang, Fermin. May ideya ka na ba kung magkano ang sinasabi mong lote at bahay at ganyan na lang kalakas ang loob mo?”

“Napag-usapan na rin naming ni Benjie ‘yan. Nasabi kong may konti na tayong ipon. Sinabi ko kung ga’no ang joint account natin. Nagulat nga rin ako ng sabihin niyang p’wede na raw ‘yon. Kung kulangin man daw, siguro’y ‘yong ipagpapa-repair sa naro’ng bahay. At mari-repair pa ang bahay, ha. Sabi pa ni Benjie, p’wede pa raw niya akong pahiramin ng pampa-repair at huhulughul­ugan ko na lang ng paninda.”

“Teka...teka lang, Fermin. Sigurado ka bang wala sa paso ang loteng ‘yan? Ilang rose ba ang puwede kong itanim d’yan?” Nagbibiro na si Nena.

“Me konti lang tayong problema, Nena.” nakangiti si Fermin, parang hindi naman talaga problema ang ibig sabihin.

“Problem?” Anong problem?” “Kaya raw walang nagkaka-interes sa ari-ariang ‘yon lalo na ang mga tagaMalolo­s ay dahil may nakatira raw malign sa bahay na ‘yon.”

Nagkatitig­an muna ang mag-asawa. Tapos, sabay silang napabungha­lit ng malakas ma halakhak.

“Kelan mo gustong pasyalan natin ang lote?” tanong ni Fermin.

“Sinabik mo yata ako ng husto, Fermin. Sa’n naman ang loteng ‘yon at pa’no tayo makakarati­ng do’n? At... oo nga. Kung caretaker lang ang ugok na ‘yon... ‘yong nakausap ko, pa’nop noiya maibebenta ang ari-ariang ‘yon?”

“Sabi ni Benjie, ang may-ari niyon ay nasa Texas na at mabuti na ang lagay ng kabuhayan doon. Nag-iwan daw ng power of attorney sa caretaker na malayo na raw kamag-anak ng mayari.”

Matindi ang interes ni Nena sa lote kaya nang sumunod na biyahe ni Fermin , sumama siya. Gusto niyang masinsinan nang kausapin si Benjie tungkol sa ibinebenta­ng ari-arian. Ang palengke sa Malolos na may puwesto si Benjie ang unang binabagsak­an ng kalakal ni Fermin.

Hindi naman napakalayo ng siyudad ng Malolos sa City of Manila. Mula Maynila, daraan ka lang sa lungsod ng Kaloocan at bahagi ng Lungsod ng Valenzuela ( sa North Luzon Expressway ito), Meycuayan, Bocaue at nasa Malolos ka na. Mula nga sa kanila sa Tundo, mga humigit-kumulang sa 40 kilometro. Nasa kalunsuran kana ng Malolos.

Naroon na sina Fermin, Nena at Benjie sa isang hindi kalakihang kainan na hindi kalayuan sa Malolos Market. Naikuwento na ni Nena ang tungkol sa pag-uusap nila ng caretaker na hindi niya naitanong ni pangalan niyon.

Si Benjie na ang nagsabing ang pangalan daw ng caretaker ay Mang Sinto. Si Mang Sinto raw ay hindi naman napakatand­a. Baka raw matanda lang ng kaunti kay Benjie na ayaw patawag ng Mang Benjie. Si Benjie ay matanda lang marahil ng wala pang sampung taon sa mag-asawang Fermin at Nena. Sila Fermin ay nasa kanilang ika-26 na taon.

‘Halos ay kuwarenta lang ang edad ni Sinto pero Mang Sinto ang gusto niyang itawag sa kanya,” sabi ni Benjie. “Kahit nga sa mismong mas matanda sa kanya, Mang Sinto ang gusto niyang itawag sa kanya.”

‘Tapatin mo ‘ko, Ka Benjie. Ga’no mo kakilala si Mang Sinto?”

“Sa personal, hindi masyado. Sa impormasyo­n, marami na akong alam sa kanya, Fermin.”

“Kung ibabatay sa mga pangungusa­p ng taong nakausap nireng misis ko... hindi kaya si Mang Sinto ay talagang... sintusinto?”

“Wala akong nababalita­ang gano’n? Saka, bakit kaya kukuha ang may-ari ng ari-arian ng isang caretaker na sintu-sinto o lukuluko?” sabi ni Benjie. “Baka hindi si Mang Sinto ang nakausap mo, misis?” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines