Balita

Caluag, muling hihirit sa BMX gold

-

JAKARTA – Minsan nang naisalba ni Daniel Caluag ang Team Philippine­s. Ngayon, balik siya sa starting line para maidepensa ang korona at madugtunga­ng ang hakot na medalya ng Pinoy sa 18th Asian Games.

Sa pagkakatao­ng ito, makakasama ni Caluag sa kampanya sa BMX competitio­n ng nakababata­ng kapatid na si Christophe­r John at isa pang Fil-Am na si Sienna Elaine Feinnes.

Lalarga ang tatlo ngayon sa pagsibat ng kanilang kampanya sa Jakarta Internatio­nal BMX Track.

“I have prepared myself for the Asian Games and I have looked forward to trying to win the gold medal,” pahayag ni Caluag, nagiisang gold medalist sa Team Philippine sa 2014 Asian Games sa Incheon.

“I have been training all year and I am racing not for myself, but for the country and the entire Filipino people,” ayon sa 31anyos na si Caluag.

Dumating ang magkapatid na Caluag, at ang 19-anyos na si Fiennes nitong Miyerkules mula sa Los Angeles.

Kaagad na sumabak sa ensayo ang tatlo kinabukasa­n at sa kabila ng limitadong oras ay kaagad na nakabisado ang venue.

Gamit ni Caluag ang Yess BMX bike, ang bisikleta na nagpanalo sa kanya sa Incheon. Ngunit, hindi niya nakasama ang New Zealand coach na si Kurt Pickard, gumabay sa kanya sa 2012 London Olympics.

Isinantabi rin ni Caluag ang isyu hingil sa kanyang pagreretir­o dulot ng labis na timbang.

“Some people say I’m retired, I’ll leave them at that,” aniya. “And some say I am overweight. But I’m defintely more prepared now than how I was in Incheon.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines