2 ginto, target sa pencat silat
2 gintong medalya, target ng pencat silat sa Asian Games
JAKARTA— Manalo o matalo may medalya nang maiuuwi sina Southeast Asian Games gold medalist Dines Dumaan and Jefferson Rhey Loon sa pencat silat event ng 18th Asian Games dito.
Kapwa pasok sa semifinals ang dalawa at target ang gold medal round ngayon laban kina Malaysian Muhammad Fayzul Nazir at Vietnamese Nguyen Ngoc Tuan, ayon sa pagkakasunod.
“We’re confident, kaya nila itong malagpasan. They trained hard for this Games and no doubt, laban na ito ng todo,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Celia Kiram, dating opisyal ng Pencat Dilat Federation bago ma-appoint sa sports commission.
“Suportado sila ng ating mga kababayan.”
Umusad sa semifinals ang dalawa sa mga kahiwalay na impresibong panalo sa quarterfinals nitong Biyernes sa Pencak Silat TMII hall dito.
Ginapi ni Dumaan, bumasag sa 13taong kabiguan sa sports sa SEA Games sa nakalipas na taon sa Kuala Lumpur, si Naorem Boynao Singh ng India, 5-0, sa men’s 50-55 kgs Class B quarterfinals, habang nadomina ni Loon si Kyrgyzstan’s Almazbek Zamirov, 4-0, sa men’s Class D 60-65-kgs quarterfinals ng tanding (sparring).
Hindi naman pinalad si Princesslyn Enopia na nagtamo ng 0-5 kabiguan kay Laotian Sounthavong Olathai sa round- of-8 ng women’s 50-55 kgs Class D division.
Kung sakali, sina Dumaan at Loon ang unang Pinoy na makapaguuwi ng gintong medalya mula sa Asian Games.