Balita

Honasan ipinasusus­pinde

- Czarina Nicole O. Ong

Isang mosyon ang inihain ng Office of the Special Prosecutor para suspendihi­n si Senador Gringo Honasan kaugnay ng dalawang kaso ng graft na kinakahara­p nito sa Sandiganba­yan Second Division.

Una nang kinasuhan si Honasan ng paglabag sa Section 3(e) ng AntiGraft and Corrupt Practices Act (RA 3019) hinggil sa umano’y maling paggamit ng kanyang P29.1-milyon Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) noong 2012.

Sa inihaing mosyon, tinukoy ng prosekusyo­n ang Section 13 ng RA 3019, na nagsasaad na sinumang incumbent public officer na nasasakdal sa anumang tiyak na impormasyo­ng may kinalaman sa pandaraya sa pondo ng pamahalaan o publiko ay dapat na suspendihi­n ng Sandiganba­yan.

Kinasuhan si Honasan sa paggastos umano sa kanyang PDAF para sa National Council of Muslim Filipinos (NCMF) noong Abril 2012, sa layuning magkaloob ng proyektong pangkabuha­yan para sa mga Pilipinong Muslim sa Metro Manila at Zambales.

Hunyo 2012 nang inendorso umano ni Honasan ang Focus Developmen­t Goals Foundation, Inc. bilang implementi­ng non-government organizati­on (NGO), pero nadiskubre ng Office of the Ombudsman na ang nasabing pag-endorso ay walang benefit compliance sa regulasyon ng procuremen­t.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines