Balita

Duterte muling nanawagan ng kapayapaan sa NPA

- TUBIG PA!!! Argyll Cyrus B. Geducos

Nagpahayag ng hindi pagsuko si Pangulong Duterte na makamit ang kapayapaan sa muli nitong panawagan na tuldukan ang hidwaan sa pagitan ng gobyerno at ng New People’s Army (NPA).

Ipinahayag ito ni Duterte sa gitna ng bago nilang patutsadah­an ni Communist Party of the Philippine­s (CPP) founder Joma Sison, na nagsabing comatose ang Pangulo.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ni Duterte na hindi uunlad ang bansa sa rebolusyon.

“Life isn’t that easy. Life has to evolve, and progress and developmen­t can’t be rushed through a revolution. If you’re always calling for revolution and killing people, nothing good will happen to our nation,” sabi ni Duterte.

“So kung maaari lang sana ayaw ko talaga. That’s my mission. I want peace for my land,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Duterte na dadalhin niya sa China at Hong Kong ang mga dating NPA na sumuko sa gobyerno, upang makita ang maunlad nitong ekonomiya.

“I will let you go to China and Hong Kong. See personally what kind of communism it is… See how good it is, how modern those communists are,” pahayag ni Duterte.

Kinansela ni Duterte ang usapang pangkapaya­paan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF noong Nobyembre ng nakaraang taon, binanggit na hindi matapat ang mga rebelde sa negosasyon.

Marso ng taong ito, inanunsiyo ni Duterte na handa siyang bigyan ng huling pagkakatao­n ang peace talks ngunit dapat itong isagawa sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng pagtiyak sa kanyang kaligtasan, hindi tinanggap ni Joma ang kondisyon ni Duterte.

 ?? AP ?? Gamit ang water cannon, pilit na inaapula ng mga bumbero ang malawakang sunog sa kagubatan malapit sa Treuenbrie­tzen, timog na bahagi ng Berlin, na tinanayang kasinglaki ng 500 soccer field.
AP Gamit ang water cannon, pilit na inaapula ng mga bumbero ang malawakang sunog sa kagubatan malapit sa Treuenbrie­tzen, timog na bahagi ng Berlin, na tinanayang kasinglaki ng 500 soccer field.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines