Balita

30 pamilya nasunugan sa faulty electrical wiring

- Bella Gamotea

Apat ang sugatan habang mahigit 30 pamilya ang nasunugan sa pagsiklab ng apoy sa isang residentia­l area sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Agad na isinugod sa ospital ang apat na nasugatang residente, hindi pinangalan­an, na pawang nagtamo ng galos sa katawan dahil sa pagmamadal­ing isalba ang kani-kanilang gamit.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque Fire Department, sumiklab ang apoy sa isang bahay sa Seaside, Barangay Tambo sa nasabing lungsod, dakong 7:00 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy at natupok ang 15 bahay na pawang gawa sa light materials.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naapula dakong 10:00 ng gabi.

Tinatayang nasa P150,000 halaga ang naabong ari-arian habang faulty electrical wiring ang sinisilip na sanhi ng insidente.

 ??  ?? FAULTY ELECTRICAL WIRING? Mula sa ilang metro, tinatanaw ng mga residente ang apoy na sumiklab sa isang residentia­l area sa Bgy. Tambo, Parañaque City, kamakalawa. Nasa 30 pamilya ang nasunugan. MANNY LLANES
FAULTY ELECTRICAL WIRING? Mula sa ilang metro, tinatanaw ng mga residente ang apoy na sumiklab sa isang residentia­l area sa Bgy. Tambo, Parañaque City, kamakalawa. Nasa 30 pamilya ang nasunugan. MANNY LLANES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines